^

Pang Movies

Mark handa nang magka-pamilya!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Mark handa nang magka-pamilya!

Mark at Winwyn

Kamakailan lang ay nasipat ko si Mark Herras sa lobby ng GMA 7. Medyo nag-gain ng weight ang former kabayan ko sa Golden City, Sta. Rosa, Laguna. Bagay sa kanya ang kaunting paglaki ng kanyang katawan dahil nag-mature at tumangkad siyang tingnan. Ang gwapo ni Mark dahil gentleman-looking siya, makisig at clean cut.

At knows ko ang dahilan, the beautiful lady at his back, isang inspiration at nagpapasigla sa kanyang buhay na walang iba kung hindi si Winwyn Marquez.

Feeling daw ni Mark, walking in cloud nine siya dahil napakasaya niya. Malaki din ang pasa­salamat niya sa kanyang yumaong ina na siyang gabay niya sa pagkakaroon ng isang Winwyn kaya wala na raw siyang mahihiling pa sa Diyos.

Oks na din ang kanyang showbiz career, hindi siya pinababayaan ng Kapuso network at kahit paano, marami na rin siyang investment at hindi na siya matatakot pa na magkaroon ng sariling pamilya.

PMPC may bagong pangulo

Congratulations sa newly elected Philippine Movie Press Club (PMPC) officers. Ang new officers ay sina, Joe Barrameda (President) Roldan Castro (Vice President) Mel Navarro (Secretary) Rodel Fernando (Ass. Sec.) Boy Romero (Treasurer) Blessie Cerera (Ass. Treasurer) Sandy Es Mariano, Leony Garcia (PRO’s)

Board members sina Mildred Bacud, Fernan de Gusman, Lourdes Fabian, John Fontanilla, Rommel Placente and Vero Samio.

Ang wish ko lang sa bagong PMPC officers, alagaan ninyo ang kapakanan ng mga members, ituloy ang planong SSS self employed member, medical aids para sa mga may sakit na miyembro, gumawa ng project for the club fund, gumawa ng magagandang bagay na hindi makakalimutan ng samahan na almost 36 years na sa entertainment industry. Katulad ng ginawa ni Ethel Ramos noong siya ang president, ang unforgetable Mamera kay Nora na marami ang natulungan na hindi lamang members.

God bless us all!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with