^

Pang Movies

Paulo seryoso na sa pakikipag-ayos sa anak!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Paulo seryoso na sa pakikipag-ayos sa anak!

Paulo

Wow naman Salve A., itong si Paulo Avelino. Busier than thou siya ngayong 2018, considering the number of assignments meron siya.

Maaalalang isa siya sa cast ng last year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Picture na Ang Larawan.

Mismong ang international awardee nating Filipino actress na si Lea Salonga ay nag-express ng papuri sa job well done performance ni Paulo sa Larawan.

Kasalukuyang busy si Paulo sa seryeng Asintado kung saan kasama niya sina Julia Montes, Aljur Abrenica, Shaina Magdayao and Lorna Tolentino.

Balitang nagsimula na rin ang shooting ng kanyang new movie na Kasal kasama sina Bea Alonzo at Derek Ramsay for Star Cinema.

Samantala, malapit na rin ipalabas ang pelikula niyang labis na niyang ipinagmamalaki, ang Goyo, the biography of sorts ng isa sa hinahangaan nating Filipino heroes yes, the Hero of Tirad Pass, na walang iba kung hindi si Gregorio del Pilar.

And from the looks of it daw, malapit nang ma-resolve ang problema niya na mapalapit sa anak na si Aki, na ngayon ay seven years old na.

Aki of course is Paulo’s love child with former fellow Kapuso, LJ Reyes.

Carmi enjoy maging nanay kahit walang asawa’t anak

Isa pang busy body ngayon ay si Carmi Martin. Kung hindi TV series, pelikula ang kanyang pinagkakaabalahan.

At wala rin siyang pinipiling roles. Mapa-drama o comedy, sinusubukan niyang maging ‘at home.’ And so far, so good, ani Carmi Martin.

Single sa tunay na buhay and visibly enjoying it, Carmi delights in playing mother roles. Nanay ang role niya sa pelikulang prodyus ng Star Cinema, Quantum Films at IdeaFirst Company, Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Directed by Jun Lana and co-starring her with two of the best and most popular actresses of local films, Judy Ann Santos and Angelica Panganiban, aminado si Carmi na sobrang na-excite siya sa paggawa ng nasabing pelikula. Dagdag na raw dito ang saya niya dahil gumaganap nga siyang ina sa isang gay.

Sa interviews sa mga nanay ng mga gay, natuklasan daw ni Carmi na bata pa lamang ang mga ito, alam na ng isang ina, kung iba ang kasarian ng anak. “Tunay ngang mother knows best,” susog pa ni Carmi.

Mapapanood sa Ang Dalawang Mrs. Reyes bukas, January 17, sina Joross Gamboa, JC de Vera and Nico Antonio, among others.

Premier tonight, January 16, ng Ang Dalawang Mrs. Reyes sa SM Megamall.

Vice ibibili ng freezer ang naligwak na TnT contestant

Touched naman kami sa gesture ni Vice Ganda na ibili na lang ng chest freezer ang isang contestant ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime na hindi man na-gong, pero ‘di nakuha ang approval ng mga board of jurors na maging finalist, na gusto sanang magamit ang kanyang prem­yo, para nga makabili ng chest freezer na gagamitin nila ng kanyang asawa sa kanilang sari-sari store.

Naluha-luha ang contestant, habang nagpapasalamat kay Vice Ganda.

In turn, nagpasalamat naman si Vice sa lahat ng mga nanood ng kanyang MMFF entry na Gandarrapiddo na siyang dahilan kaya ito naging top grosser.

Tampok din sa Gandarrapiddo na directed by Joyce Bernal sina Daniel Padilla, Karla Estrada, Wacky Kiray, at Pia Wurtzbach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with