^

Pang Movies

Snooky bumilib sa mga anak na wais sa lalaki

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Snooky bumilib sa mga anak na wais sa lalaki

Snooky

Ipinagmamalaki ng veteran actress na si Snooky Serna ang kanyang dalawang anak na sina Samantha at Sachi dahil mas inuuna raw nila ang magkaroon ng maganda at maayos na career kesa sa magkaroon sila ng boyfriends.

Kung tutuusin ay nasa tamang edad na ang dalawang dalaga ni Snooky para magkaroon ng boyfriend, pero they chose to focus sa kanilang career sa advertising.

“Kapag tinatanong ko naman sila kung may boyfriends na ba sila, they wouldn’t answer na wala pa.

“Nakikita ko naman how dedicated they are sa mga trabaho nila.

“Nakakatuwa lang isipin na ang new generation of young people today or the millennials, mas priority nila ang magkaroon ng stable career or ang magpayaman.

“Hindi tulad namin noon, mas inuna pa namin ang lovelife!” natatawang kuwento ni Snooky.

Aminado si Snooky na noong kaedad niya ang kanyang mga anak, madali raw siyang ma-in love at infatuated siya sa mga magandang pinapakita ng leading man niya noon.

“I guess, masyado lang mababaw ang generation namin noon. Madali kaming ma-sway sa mga little things na pinapakita ng manliligaw namin.

“Ngayon kasi, ang mga bata hindi na basta nadadala sa paligaw-ligaw. Kailangan magka-level kayo sa lahat ng bagay.

“It’s good for my daughters kasi hindi ako agad magiging lola!” tawa pa ni Snooky.

Muling mapapanood si Snooky sa primetime ng GMA 7 via The One That Got Away kung saan gaganap siyang ina ni Lovi Poe.

Ayra nilayasan ng ka-loveteam

Wala raw ka-loveteam muna ang StarStruck 6 First Princess na si Ayra Mariano dahil titigil muna sa pag-aartista ang kanyang ka-loveteam na si Elyson de Dios.

Ayon kay Ayra, nasa Cebu na raw ulit si Elyson para tapusin ang pag-aaral nito. Kaya sa mga huling mga nilabasan ni Ayra na mga teleserye ay wala na siyang ka-loveteam.

“Tatapusin na raw muna ni Elyson ang pag-aaral niya sa Cebu. Okey lang ‘yun sa akin kasi ang parents na niya ang nag-decide.

“Nakakapanghinayang lang dahil nagsimula na kami sa team-up namin noong nasa StarStruck pa kami. Tapos ginawa namin ang Poor Señorita. Sayang lang pero kung ang school naman ang reason, I understand po,” ngiti pa ni Ayra.

Ngayon ay solo flight muna si Ayra sa shows na kinabibilangan niya tulad ng bagong GMA primetime teleserye na The One That Got Away.

“Okey naman po ang career kahit solo muna po ako. Hindi naman po ako nawawalan ng work. Tsaka, gusto ko pong makatrabaho ang ibang mga boys ng GMA 7 like sina Ken Chan,  Addy Raj,  Jeric Gonzales at marami pang iba.”

Gusto rin daw ni Ayra na makilala siya bilang versatile actress kahit na walang ka-loveteam.

“Siguro mas okey din na wala na muna akong ka-loveteam. Para mas marami akong roles na gawin at ma-test po ang ability ko as an actress,” pagtatapos pa ni Ayra.

Ellen Degeneres nagluluksa sa pagpanaw ng ama

Nagluluksa ngayon ang TV host na si Ellen DeGeneres dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Elliot DeGeneres sa edad na 92.

Ginawa ni Ellen ang malungkot na announcement na ito sa kanyang show na Ellen.

Pangalawang trahedya ito na nangyari sa buhay ni Ellen. Kelan lang ay nakasama ang mansion niya sa Montecito, California na na-damage sa Santa Barbara mudslide.

Pero wala na raw mas sasakit pa sa pagpanaw ng kanyang ama na ayon kay Ellen, ay naniniwala sa Christian science.

“He was 92 years old.  He had a good, long life. And he lived his life exactly how he wanted.

“He was Christian science his entire life. He never had medicine his whole life. He never went to a doctor. We never had a vaccination. We never had medicine growing up and he lived to be 92.

“He was very proud of me. He loved this show. He was a kind man, very accepting man.

“There was not one bone of judgment in his body. He was very funny. Before he passed away I got to talk to him, so I got to say goodbye to him.”

Nag-share pa si Ellen ng ilang photos sa kanyang Twitter honoring her father Elliot.

“This week, at the age of 92, my father Elliott DeGeneres passed away. He lived a good long life. It wasn’t unexpected. I was able to say goodbye.”

“When I was a kid, my dad took us on one vacation to Warner Bros. Studios. He loved this business. He loved that I was in it. When he died, I saw this rainbow over the stage they named for me.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with