^

Pang Movies

Mukhang pera aktor nagde-demand ng tf sa promo ng kanyang project!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nabuwisit ang ilang staff ng isang programa nang hilingin nilang mag-guest ang isang showbiz personality dahil sa request ng kanyang manager. May ipino-romote kasi ang male celeb eh interesting naman ‘yung ipinu-promote niya kaya pumayag ang staff.

Pero nang nag-follow-up ang staff sa male celeb, naloka sila nang maningil siya ng talent fee, huh! Siyempre, ang celeb naman ang makikinabang sa gagawing guesting kaya nagsumbong sila sa manager niya.

Eh wala palang alam ang male celeb sa kalakaran sa showbiz na kapag siya ang nag-request na umapir sa show, walang talent fee na ibi­nibigay. Nasanay kasi ang male celeb na kapag nasa TV siya, kailangan siyang bayaran, huh!

Umapir naman ang male celeb sa show pero itsinitsimis na siya ng staff sa kapalpakan niyang ‘yon!

Sylvia nagka-fans club kung kailan nagka-edad

Naglutangan ang Silvianians Angels na nagsisilbing prayer warriors ni Sylvia Sanchez sa tuwing may bago siyang TV o movie project. Nagdadasal sila para maging tagumpay ang proyekto ng kanilang idolo.

Gumagana muli ang grupo ng fans ni Ibyang ngayong may Regal movie siyang Mama’s Girl. Take note hindi lang indibiduwal ang dasal nila dahil dumadayo pa sila sa mga kumbento upang mag-alay ng dasal at petisyon, huh!

“Katuwa ang mga batang ito. Kung kelan ako tumanda saka ako nagka-Silvianians Angels,” bulalas ni Sylvia.

Pati sa mall shows ng MM, present ang grupo ng fans ni Ibyang na kadalasan ay maagang dumadayo sa venue.

Of course, naging sandata na ni Sylvia ang dasal upang marating niya ang estado niya ngayon bilang aktres.

JC ‘di dapat patulan ang galit ng ex

Kinakawawa ngayon si JC Santos ng kanyang girlfriend na kinalasan na niya. Career ang rason ng isa sa bida ng Mr. & Mrs. Cruz na Viva Films.

Umarya naman ng maanghang na reaksyon ang ex-GF niya sa isang stage actress. Namutawi sa isa niyang pahayag na hindi raw dapat pagkatiwalaan si JC, huh!

Mula sa pagiging stage actor, nadiskubre ang galing ni JC bilang artista sa TV at pelikula. Ngayon, mabentang-mabenta na siya bilang leading man.

So sana, huwag nang bumuwelta pa si JC sa ex-GF niya. Mahirap salubungin ang galit ng isang babae. Mas mabuting maging tahimik na lang siya and let the issue die like a natural death, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with