^

Pang Movies

Lovi, Max, at Rhian nagliyab sa gilingan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Lovi, Max, at Rhian nagliyab sa gilingan

Dennis, Lovi, Rhian, at Max

Dedicated ang buong Sunday PinaSaya kahapon para sa bagong sexy-romantic comedy series ng GMA 7, ang The One That Got Away (TOTGA). For sure, nag-enjoy ang tele­viewers dahil present ang buong cast ng rom-com na sina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos, at si Dennis Trillo. Present din sina Ivan Dorschner, Jason Francisco, Migo Adecer, Sophie Albert, Ayra Mariano, at Nar Cabico.

May kani-kanila silang numbers sa show, at patalbugan sina Rhian, Max, at Lovi sa kani-kanilang sexy dance numbers, si Dennis naman ay kinanta ang theme song ng serye.

Inamin ng apat na ang challenge sa kanila ng TOTGA ay first time nilang magpapatawa sa serye dahil pare-pareho silang nakilala bilang mga dramatic actor, pero nagustuhan nila ang concept at time raw naman na sumubok sila ng ibang putahe, isang sexy romantic comedy.

Natanong nga pala si Hazel Abonita, Program Manager ng TOTGA kung hindi ba sila nagkaproblema sa billing ng kanilang lead stars. Hindi raw naman dahil sinunod nila ang order of appearance nila. So ang billing nila ay Lovi Poe, Max Collins, and Rhian Ramos. At mayroon ding ‘and’ bago ang name ni Dennis.

Mula sa direksyon nina Mark dela Cruz at Conrado Peru, mamayang gabi na ang pilot episode ng The One That Got Away pagkatapos ng Kambal Karibal.

Sofia at sylvia naka-relate sa kuwento ng nanay!

Sa Wednesday, January 17 na ang showing on cinemas nationwide ng inspirational drama movie ng Regal Films, ang Mama’s Girl at tiyak na magugustuhan ninyo ang samahan ng mag-inang Mina (Sylvia Sanhez) at Abby (Sofia Andres). Sang-ayon kay Sylvia na may mga anak na rin, tiyak na makaka-relate ang mga mag-iinang manonood nito kung paano ang journey ng isang mapagmahal na single mother at ng kanyang millennial daughter. Kaya nang napanood nga raw ito, mapapaisip ka kung ganito rin ang estado ng pamilya mo.

Si Sofia, hindi ikinaila na may hawig ang buhay niya sa character ni Abby, kaya marami raw talaga siyang natutunan at itinuring na niyang second mother niya si Sylvia na napakabait at very understanding. May life lessons din sa movie na matututunan.

Si Gina Marissa Tagasa ang scriptwriter sa muli niyang pagbabalik sa Regal Films at sa direksyon naman ni Connie Macatuno.                                

Todo giling! Joross enjoy sa pagiging drag queen

Ilang beses na ring nakaganap ng beki role si Joross Gamboa at last nga niya for 2017, ang Deadma Walking at sa presscon nito, nasabi niya na hindi na muna siya gaganap ng gay roles. Pero hindi pa nga tapos ang showing ng Deadma Walking, nalaman na ni Joross na ipalalabas na rin pala ang Ang Dalawang Mrs. Reyes kung saan gaganap siyang gay husband ni Judy Ann Santos.

“Mahirap pong tanggihan ang offer na makatambal mo ang isang Judy Ann Santos,” sabi ni Joross.

“Magal ko na pong pangarap iyon na makasama siya, sabi ko nga kahit masampal lamang niya ako sa eksena, okey na sa akin. Pero salamat naman na hindi niya ako nasampal, kahit nalaman niya na gay pala ako. Saka kapareha ko rin dito si JC de Vera, na karelasyon ko rin.”

Sa movie na idinirek ni Jun Lana, nagpunta pa silang apat sa Taiwan para mag-join ng gay parade roon. During the gay parade nalaman nina Judy Ann at Angelica Panganiban na parehong gays ang kanilang husband at may gay-to-gay relationship sila.

“Nag-enjoy kami sa shooting doon, dressed in drag, si JC as a construction worker ala Village People. Kaya promise, magugustuhan ninyo ito, showing na po kami simula sa Wednesday, January 17 in cinemas nationwide.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with