^

Pang Movies

Nadine nasasakal na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nadine nasasakal na!

Nadine

Matapos na sabihin ni Maine Mendoza na gusto niyang maging malaya, at maliwanag na nagsabing ayaw din niyang pinanghihimasukan ang kanyang personal na buhay, ngayon naman ganoon na rin ang sinasabi ni Nadine Lustre.

Magkaiba nga lang ang kanilang dahilan. Noon kasi, si Maine ay medyo napikon na sa fans na bina-bash ang lahat ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang love team, na hindi naman totoo sa tunay na buhay. Sa kaso naman ni Nadine, napika na rin siya sa mga pamba-bash namang ginagawa sa kanya at pakikialam din sa kanyang personal na buhay.

Maliwanag iyan na nagigising na rin ang mga artista sa katotohanan na hindi naman dapat pinakikialaman ang kanilang mga personal na buhay. Hindi dahil artista sila at sinasabing “public property”, ang lahat na lang sa kanilang buhay ay puwede nang pakialaman kahit na ng sino. Ang totoo, sinasabi lamang public property sila dahil sa kanilang propes­yon. Kung ano man ang sabihin na may kinalaman sa kanilang pagiging artista, iyon ay “public opinion”. Pero iyong sa kanilang pribadong buhay, ibang usapan na iyon.

Kaya nga ang mga pribadong kuwento ay ang tinatawag na “tsismis” lang. Usap-usapan lang iyan at hindi maaaring igiit bilang isang issue maging sa mga artista. May karapatan din naman sila sa kanilang privacy. 

Hindi rin tama na pinakikialaman maging ang kanilang mga personal na desisyon lalo na at wala namang kinalaman sa kanilang career.

Kung minsan, sinasabi ngang mahirap na makita ang kaibahan ng kanilang pribadong buhay sa buhay nila bilang artista. Kasi nga bilang artista, ang puhunan naman nila ay ang kanilang personalidad. Kaya ano mang gawin nilang personal, apektado rin ang kanilang career.

 JC at Ryza walang problema sa mga dyowa

Suwerte si JC Santos dahil sinasabi niyang ang kanyang girlfriend ay isa rin kasing stage actress at hindi naaapektuhan kung ano man ang kanyang gawin sa pelikula. Hindi raw iyon affected sa love scenes nila ni Ryza Cenon sa Mr. & Mrs. Reyes.

Maraming love scenes sina JC at Ryza na gumanap na mag-asawa sa pelikula.

Alam naman ninyo, lalo na nga sa mga ganyang klaseng pelikula na medyo experimental, karaniwan na ang love scenes. Ang maganda nga lang, sinasabi ni Ryza na naiintindihan din naman iyon at supportive rin ang kanyang boyfriend sa kanyang career. Minsan ang mga artista naman talaga, kailangang ma­ging maliwanag sa kanilang mga boyfriend at girlfriend na bilang mga artista, kung minsan ay may mga ganoon ngang nagagawa sa kanilang mga pelikula.

“Sa girlfriend ko ok lang naman iyan. Ang tawag namin diyan sa ganyan, on scene partners lamang. Iyong ginagawa mo lang sa eksenang iyon. Totoo naman eh. Bilang mga artista, wala nang malisya sa amin ang mga ganoong eksena,” sabi ni JC.     

Misis ng dating aktor na sunod sa luho baon na sa utang!

Nagkakautang-utang na raw ang misis ng dating aktor, kasi naman kasalanan din ni misis. Sinanay niya ang male star na siya ang naghahanapbuhay at nagsusustento roon. Kasi si misis naman ang talagang nanligaw sa kanya noon. Ibinibigay ano man ang gusto niya. Eh ngayon may edad na rin si misis at hindi na makapag-Japan. 

Mahina naman daw ang itinayo nilang negosyo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with