^

Pang Movies

Claudine susubok ng second chance kay Mark Anthony!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Claudine susubok ng second chance kay Mark Anthony!

Claudine at Boss Vic

Dumipensang muli si Claudine Barretto sa bashers ni Mark Anthony Fernandez. Nitong nakaraang mga araw, magkasama sina Clau at Mark sa Viva office kung saan may group pictorial sila kina Boss Vic del Rosario at mga anak na sina Vincent at Veronique.

Ang ispekulasyon ng ilan eh gagawa sa Viva sina Mark at Claudine. Mala­king boost ito sa confidence ng aktor na kalalaya lang mula sa pagkakakulong. As we all kow, isa si Clau sa nagbunyi sa magandang pangyayaring ito sa dating boyfriend at ka-loveteam.

Mensahe ni Claudine sa followers niya, “To all my Palangas & Claudi­nians, let’s all give People 2nd Chan­ces. Walang ginawa si Mark na masama sa inyo for some of us who want to put him down. He never hurt anyone of u but himself. Nakadapa na ‘yung tao ano gusto nyo pang tapaktapakan pa. I pray that we all have more COMPASSION towards each other. Lets lift each up not pull others down.”

JaDine hinuhulaang mangingibabaw uli ngayong taon

Maglilibot pala sa London sina James Reid at Nadine Lustre para sa concert tour nila af­ter ng second anniversary concert nilang Revolution sa Araneta Coliseum sa February.

Kaya naman ‘yung abangers na sa movie nila ni Sarah Geronimo na 20 Again ay wala pang tiyak na playdate.

Ngayong taon lang muli kasi babawi sina James at Nadine na na­kapahinga last year. Kaya nga hinu­hulaang ang JaDine loveteam pa rin ang ma­ngi­ngibabaw ngayong 2018.

Eh bukod sa concert, may movie pang tatapusin sina James at Nadine. May kanya-kanya rin silang solo movie kaya punum-puno ang schedules nila.

Sa bawat work naman nila masusulit ang paghihintay sa kanila ng JaDine fans, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with