^

Pang Movies

Binabarat ng concertgoers umaapela ng tulong ng gobyerno, Regine feeling second rate citizen ‘pag nagko-concert

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Binabarat ng concertgoers umaapela ng tulong ng gobyerno, Regine feeling second rate citizen �pag nagko-concert

#paMORE

Aminado ang mga #paMORE concert artists at music icons natin na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, and Erik Santos na they feel bad sa pagpasok ng foreign ar­tists na nagku-concert in the Philippines sa pagkamahal-mahal na tickets ng mga ito compared sa tickets ng local artists (OPM) natin.

“The truth is, we have no control over this matter,” pahayag ni Ogie na current President din ng OPM, “so, sila-sila mismo, ‘yung mga promoters, ang nagpa-price ng mga tickets na ‘yan.

“And siyempre, aminin man natin o hindi, nahihirapan din ang OPM dahil diyan because ang layu-layo ng prices ng tickets, tapos ‘yung kanila (sa foreign artists), laging sold out kaagad.”

Regine has this naman to say, “Actually, we feel bad about it, like for me, because you know the cost of producing a concert is very, very expensive now. Everything is so expensive. Kaya nga po, wala nang nagpo-produce masyado.”

Hindi naman daw nila magawang mahalan ang tickets dahil umaalma raw ang manonood ‘pag mahal.

“Aalma sila kasi local artists lang kami. So we feel kinda bad because if somebody like Madonna comes here and tickets are 50,000 bucks, and the concert-goers would just buy it just like that.

“So, as OPM artists, parang feeling namin, second-rate citizens kami in our own country because we can’t even charge like that in our own country,” sabi pa ni Songbird.

Ang hiling ni Ogie, sana raw ay pantay-pantay na lang ang ticket prices.

“At sana, magkaroon tayo ng body na magko-control nito, sa government para ma-protektahan din natin ang mga ticket buyers na hindi na sila lumabas ng bansa para manood,” sey ni Ogie.

Kawawa nga naman daw ang ticket buyers na bumibili ng worth 25 thousand na ticket ng isang foreign artist and yet, ang layo pa rin nito sa stage dahil mas mahal ang nasa VIP seats na malapit sa stage.

Ang gobyerno lang daw ang makakapag-ayos ng ganitong problema at hindi silang mga local artist.

Ayon pa kay Regine, sana raw ay gayahin natin ang South Korea na sariling music lang nila ang pina­patugtog sa kanilang bansa at walang foreign artist. Ito raw ang dahilan kung bakit successful ang K-pop.

“Kaya sila successful kasi talagang sinu-support ng kanilang government. Tayo kasi, hindi mas­yadong supported,” saad ni Regine.

Tulad na lamang ngayong Peb­rero, napakarami raw magpapasukang Valentine shows ng mga foreign artist and good thing, ang #paMORE pre-Valentine concert na gaganapin sa Feb. 10, 2018 sa Mall of Asia Arena ay isa sa masu­werteng iilang local concerts na mapapanood this Valentine.

Derek sunud-sunod ang suwerte

Bongga ang pagtatapos ng taong 2017 kay Derek Ramsay dahil as we all know, nasungkit niya ang Best Actor award sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa mahusay niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado ang All Of You mula sa Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions, at Planet Media.

Bukod sa pagkakapanalo niya bilang Best Actor, tumabo pa sa takilya ang second movie nila together ni Jennylyn kaya naman feeling so lucky and blessed si Derek.

Isa pang ipinagpapasalamat ni Derek na nangyari last year ay naayos na ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN. Dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled Kasal kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino mula sa direksyon ni Ruel Bayani.

Magsasama silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with