^

Pang Movies

Pres. Digong parang magnet, lakas maka-attract ng tao!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pres. Digong parang magnet, lakas maka-attract ng tao!

Lolit at Pres. Digong

I’m sure, hindi inaasahan nina Michelle Ortega at Papa Greg na bibigyan ng media ng atensyon ang garden wedding nila sa Baguio City noong Miyerkules.

Hindi puwedeng dedmahin ng media ang naganap na kasalan dahil kabilang sa mga principal sponsor si President Rodrigo Duterte.

Parang magnet si Papa Digong na mabilis maka-attract ng atensyon ng mga tao bilang siya ang pangulo ng bansa natin.

Mga who’s who sa mundo ng pulitika ang mga ninong at ninang sa kasal nina Michelle at Papa Greg pero siyempre, si Papa Digong pa rin ang main attraction at star of the show.

Kumpleto ang attendance ng Ortega fa­mily sa pag- iisang dibdib nina Michelle at Papa Greg. Hindi puwedeng mawala si Robert Ortega, ang favorite brother ni Michelle na ikinasal noong 2017 at ninang din ako.

Tsismosang-tsismosa ang feeling ko nang mabasa ko ang palitan ng mensahe nina Ro­bert at Pauleen Luna. Sinabi kasi ni Pauleen kay Roberto na nasa Baguio rin sila ni Vic Sotto at ng kanilang anak na si Talitha na sinagot ni Robert ng “I know, walang puwedeng ilihim kay Nanay Lolit!”

O ‘di ba, parang ako na lang ang source ng lahat ng tsismis sa showbiz. Ayaw nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ng ganyan!

Bahay ni Joel Cruz sa Baguio confirmed na pang-mayaman

Nag-stay ako sa Baguio City mansion ng Lord of Scents na si Joel Cruz para sa kasal nina Michelle at Papa Greg. Ang laki-laki ng bahay ni Papa Joel sa Baguio City as in confirmed na mayaman siya kaya may karapatan na magkaroon ng maraming anak na sure na mabibig­yan niya ng bright future.

Maraming salamat kay Papa Joel sa dalawang araw na pagpayag niya na manirahan kami sa kanyang bonggang bahay sa Baguio City. Na-appreciate ko talaga ang generosity ni Papa Joel na walang sawa na tumutulong sa mga nangangailangan kaya pinagpapala ng Maykapal.

Love story nina Claudine at Mark Anthony may part 2?!

Aalamin ko pa kung bakit nag-drop by sa Viva Films office noong Miyerkules sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto.

Hindi ko pa alam ang tumpak na kasagutan pero malay natin, ituloy na ng Viva ang matagal nang plano na pagsamahin sa isang pelikula sina Mark at Claudine na knows ng lahat na may nakaraan.

In all fairness, may fans pa rin ang loveteam nina Mark at Claudine hitsurang marami na ang nangyari sa kanilang mga personal na buhay. Parehong nagkaroon ng asawa at mga anak sina Mark at Claudine na kapwa hiwalay na sa kanilang mga asawa.

May posibilidad ba na magkaroon ng Part 2 ang passionate at very intense noon na love affair nina Mark at Claudine? Sila lang ang makasasagot sa tanong ng bayan bilang mas kilala nila ang isa’t isa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with