^

Pang Movies

Dati raw na-link sa lesbian Janella mas pinili si Elmo kesa kay Jenine?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dati raw na-link sa lesbian Janella mas pinili si Elmo kesa kay Jenine?!

Janella at Elmo

Certified Mrs. Robby Mananquil na ang actress na si Maxene Magalona.

Kahapon ay ikinasal sila sa Boracay. Nagkalat sa social media ang mga picture and video ng kasalan.

Pero ang mas pinagpiyestahan ay ang sweetness nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa nasa­bing kasalan.

Nag-blend daw ang actress sa pamilya ni Elmo sa Boracay. 

Lately ay todo ang pag-e-emote ng nanay ni Janella na si Jenine Desiderio tungkol sa anak.

Ang sabi kasi ay hindi favor ang dating Broadway star sa relasyon ng dalawa. Hindi pa natatagalan nang ibuko ni Ms. Jenine na may nag-gatecrash sa family reunion nila na ang sinasabing pinatutungkulan ay sina Elmo at Janella.

Pero mukhang walang makakapigil. “Always protects, always trusts, always hopes, always perseveres,” ang caption ni Janella sa souvenir photo nila sa Bora ni Elmo na posted sa kanyang IG account.

Siyempre, sobra-sobra ang kilig ng fans nila. Nabuhayan sila ng loob.

Anyway, ayon sa source, minsan na raw na-link si Janella sa lesbian na ikinagalit diumano nang husto ni Jenine. Totoo kaya ‘yun? Diumano sa sob­rang galit ni Jenine sa anak ay napagbuhatan pa ito ng kamay.

Kaya naman nagtataka ang source kung ba­kit kailangan pang magngitngit ng dating singer ngayong nali-link ang anak kay Elmo.

Bukas po ang pahinang ito kung nais magpaliwanag ni Jenine.

Apo ni Digong ayaw paawat, sasabak na sa pelikula mala-Bela padilla ang peg?

Ayaw paawat ng apo ni President Digong Duterte na si Isabelle.

Kahapon ay kumalat ang pictorial at 18th save the date video ng kanyang makontrobersiyang debut matapos ang pictorial sa Malacañang. After ng nasabing pictorial ay nagkaroon naman sila ng argumento ng kanyang daddy na si former Davao Vice Mayor Paolo Duterte na common knowledge na nagbitiw nga sa kanyang posisyon.

This time sa Australia kinunan ang nasabing video at photos.

Ang bongga ng mga gown na isinuot ni Isabelle at sexy pala siya.

Ang hinihintay ngayon ay kung kailan mapapanood sa TV o pelikula si Isabelle.

Si Annabelle  Rama ang kanyang manager at balitang may contract siya sa Viva Group of Companies.

Ang sabi ay may pinaplano nang movie ang Viva for her pero naghahanap pa raw ng magandang material na ala-Bela Padilla ang peg.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with