^

Pang Movies

O pang-TV lang talaga? Ryza masusubukan kung may hatak sa pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi masyadong napansin ang pagbibida ni Ryza Cenon noon sa indie movie at mas kilala nga natin siya bilang kontrabida sa afternoon series na Ika-6 na Utos.

Mahirap mo rin namang basta burahin iyon sa isip ng mga tao, dahil araw-araw nilang napapanood ‘yun. Ang mga nagawa niyang pelikula, kahit na nga pinuri siya ng mga kritiko, bihira nga rin ang nakapanood. Kaya nga masasabing ngayon lang siya sasabak sa pelikulang mainstream talaga, ang Mr. and Mrs. Cruz na pagtatambalan nila ng stage actor na si JC Santos. Kahit na sinasabing medyo experimental ang dating, dahil iyan ay isang pelikulang dalawa lamang ang characters, makikita mong ginastusan nang husto ang pelikula. Sa nasabing pelikula masusukat ang batak ni Ryza bilang isang aktres. Tiyak din na ang pelikula niya ay mailalabas sa isang fixed playdate sa mga sinehan, at hindi sa isang festival lamang na may limited screening.

Malaking hamon iyan para kay Ryza, at inaamin naman niyang may kabigatan ang challenge. Matatanggap ba siya ng publiko sa ibang role, maliban doon sa lagi nilang napapanood sa telebisyon. Maaari na nga ba siyang sumabak bilang leading lady?

Marami naman ang tiwala talaga kay Ryza dahil sinasabi nga maging ng kanyang director na nagampanan niya nang mahusay ang kanyang role. Maga­ling naman siyang artista talaga eh, kaya lang alam naman ninyo rito sa atin, basta nasanay na napapanood kang kontrabida, iyon na ang image mo.

Iyon ang kailangang mapalitan at makilala naman siya bilang leading lady na talaga.                                                          

Judy Ann kabado sa pagbalik sa mainstream

Inamin ni Judy Ann Santos na may nadarama siyang kaba dahil ngayon lang siya gagawa ulit ng pelikulang mainstream. Kung natatandaan ninyo, nagkasunud-sunod yata ang gawa niya ng mga pelikulang indie. Alam naman ninyo, iba ang sukatan ng indie sa mainstream.

Sa mga mainstream movie, ang sukatan ay ang pagtanggap ng publiko sa project. Ibig sabihin ay “kikita ba”? Diyan kailangan ang pambatak ng artista sa pelikula. Kaya ba niyang dalhin ang mga tao sa takilya? Pero si Juday, kilala siya bilang isang box office star kahit na noon pa man.

Marami na siyang nagawang mainstream movies noong araw kaya naniniwala kaming kayang-kaya niyang dalhin ang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Isa pa, kabisado rin naman ng kanyang director na si Jun Lana kung anong pelikula ang gusto ng publiko. Bukod doon makakatulong pa rin ang co-stars niyang sina Angelica Pa­nganiban, JC de Vera at Joross Gamboa para mabatak ang mga tao. Malamang naman sa hindi magiging hit ang pelikula nila.

Anak ng aktor namana ang mga raket sa bading

Pinagkukuwentuhan nila ang sinasabing anak ng isang dating male star, na diumano ay siya namang may “kakaibang sideline” at ang kanyang nagiging “clients” ay bading na movie reporters.

Pogi rin naman daw ang anak ng dating male star. Iyon namang tatay niyan eh “suma-sideline” din noong araw at minsang naging kept man ng isang bading na designer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with