^

Pang Movies

Alang-alang sa pelikula Ryza at JC muntik malunod sa Palawan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alang-alang sa pelikula Ryza at JC muntik malunod sa Palawan!

JC at Ryza

Nahirapang kumawala si Ryza Cenon sa character niya bilang Georgia sa Ika-6 Na Utos at sa personal niyang ugali habang ginagawa ang unang mainstream movie na Mr. & Mrs. Cruz mula sa Viva Films.

“Sobrang hirap mag-adjust minsan kaya pag umuuwi ako, hindi ko na kilala ang sarili ko! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ryza sa presscon ng movie.

Ayon naman kay JC Santos na kapareha ni Ryza, first time siyang maidirek ng 2017’s box-office director na si Sigrid Andrea Bernardo na gumawa ng Kita kita.

“Nakontrol niya ako. Malaki kasi ako kung umarte. Dumaan muna ako sa rehearsals bago ang taping.

“Kay Ryza naman ang dami kong natutunan. Kasi sobrang disiplinadong tao ni Ryza at napakagaling niya sa pelikulang ito.

“Nakita ko  ‘yung alam niya sa paggamit ng screen. Like kunwari, ang galing niyang humanap ng kamera. Ang galing niyang umarte sa harap ng kamera. Samantalang ako, napapayuko pa ako. Nakatalikod ko.

“Ang suwerte-suwerte ko at nandito ako sa pelikulang ito and it’s my second mainstream movie,” pagmamalaki ni JC.

Bukod sa magagaling na artista,  added bonus sa manonood ang magandang beaches sa Palawan na bahagi ng movie kahit na nga sa shooting eh, muntik na silang malunod dahil sa biglang pagtaas ang tubig  habang nasa isang kuweba sila, huh!

“Kinailangan naming sumisid para makalabas sa cave!” bulalas ni direk Sigrid.

Marian ayaw tantanan ang regalo ni Dingdong

Damit at make up kit ang Christmas gift ni Ding­dong Dantes kay Marian Rivera nu’ng Pasko. Pero ang talagang kumurot sa puso niya ay ang wedding anniversary video personal na ginawa ni Don na pinapanood sa kanya.

“Du’n talaga ako sobrang na-touch. Nung simula kong panoorin, hikbi-hikbi lang muna ang drama ko. Pero nang lumabas na si Zia sa video, hindi ko na napigilang humagulgol!” pahayag ni Marian nang bisitahin ng press sa taping ng kanyang GMA series na Super Ma’am.

Bilang pagmamalaki sa ginawa ng asawa, pinapanood niya ito sa tatay niyang nasa Spain then nu’ng gathering ng pamilya niya sa Cavite, todo pagmamalaki niya sa regalong ‘yon. Maging sa reunion ng kamag-anak ni Dong, buong ningning din niya itong ipinalabas.

Bilang handog naman sa followers ng SM, mas maaaksyong mga eksena ang matutunghayan nila lalo na’t papasok din ang character ni Barbie Forteza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with