^

Pang Movies

Cherie hindi pa nalilinaw ang pinababang staff sa van!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang Road Trip na show din sa GMA 7 ng GMA News & Current Affairs ang mawawala, hindi ang Daig Kayo Ng Lola Ko, ang children’s at fantasy program ng Entertainment Content Group ng Kapuso Network.

Ito ang paglilinaw ng staff ng Sirkus, ang telefantasya na mapapanood sa dating timeslot ng Road Trip.

Very promising ang Sirkus kaya excited ang mga artista at production staff ng programa.

Ang award-winning indie director na si Zig Dulay ang direktor ng Sirkus at siya ang may idea na isali sa cast si Cherie Gil na gumaganap na kontrabida.

Ang sabi ng cast ng Sirkus, naging close sila sa set at dahil konti lamang sila, nagkasya ang lahat sa iisang tent na kinontra ni Cherie Gil.

Ang sey ni Cherie, nagsosolo lamang siya sa set kaya naalaala tuloy ng mga reporter ang insidente na nangyari noong 2017.

Ito ‘yung isyu na diumano, may pinababa si Cherie sa service van na na­ging dahilan para bitawan siya ng kanyang former manager na si June Rufino.

Hindi na tinanong si Cherie ng mga reporter dahil masaya ang presscon ng Sirkus. Ayaw nila na masira ang mood ni Cherie na masayang-masaya dahil starring siya sa family-oriented show ng GMA 7 na mapapanood simula sa January 21.

Showbiz nagkakagulo dahil sa kasalang John Lloyd at Ellen

No comment ako sa pralala ni Beauty Gonzales na walang kasalan na mangyayari sa kanyang BFF na si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Natatawa lang ako dahil sobrang lakas ng dating ng report ko para magkagulo ang showbiz.

Pati sina John Lloyd at Ellen, nag-shoot pa ng vi­deo na may caption na “Take it! Take it!”

Naiisip ko tuloy ang madalas sabihin ng aking favorite bagets na si MJ na “Wawah joke ba o totoo ang promise mo?” kasi nga minsan kalat na ang balita pero kapag isinulat ko o nag-comment ako, para bang last nail that sealed the coffin ang dating.

Ayokong ilagay sa ulo ng mga tao na para bang lahat ng sinasabi ko, they take it seriously, so serious na para bang katabi ako ng dalawa nang magplano ng kanilang kasal.

Sabi ko, may source na nagparating sa akin ng balita, credible dahil taga-Cebu siya at connected sa lugar kung saan sinasabi na nakipag-usap ang miyembro ng pamilya ni Ellen.

So ang dapat lang gawin, i-confirm o i-deny, so what is the big fuzz?

Hindi ko kilala personally sina John Lloyd at Ellen but I admire them. Kung na-upset sila na naunahan ng balita ang mga plano nila wala akong magagawa dahil parte ‘yon ng trabaho ko.

Sayang dahil I really admire the couple, pero I will always stand by my story, kung mali man ang source ko,  I still feel thankful na pinadadalhan nila ako ng mga balita tulad ng kanilang ipinadala na photo nina Ellen at John Lloyd nang magpa-check up sa isang ospital.

Bilang writer ako, hindi ko puwedeng balewalain ang isyu lalo na kung kasing-hot ng dalawa ang involved.

We do checking pero hindi naman magko-confirm ang hotel staff dahil sa confidentiality agreement pero may mga litrato na ebidensya.

Malalaman din naman natin sa tamang panahon ang katotohanan, basta maghintay lang tayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with