Regine ayaw mag-panggap na bagets sa concert
Mga luma ang kakantahin
Puro lalaki naman ang kasama ni Regine Velasquez-Alcasid sa unang pasabog niyang concert na #PaMore, sina Martin Nievera, Erik Santos at asawang si Ogie Alcasid.
“Bagong team up pero matagal na rin kaming hindi nagku-concert ni Ogie. So exciting naman ito. Something new to offer since it’s a new team up.” saad ni Reg sa pressccon ng concert sa Seda Hotel kahapon.
Napag-usapan din nilang apat na hindi na sila kakanta ng mga bagong songs. “We will sing songs that we all know. That we know. Ayaw na naming mag-pretend na mag-bagets-bagetsan! Parang exciting din sa akin ‘yon,” dagdag ni Songbird.
Millennial man ang title, “It’s different from the concerts that we’ve done. So dati we try to incorporate new songs but this time, hindi na namin pipilitin. Anyways, ang manonood naman sa amin majojonders (matatanda) din! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Songbird.
So bukod sa concert, ano pa ang hihintayin ng kanyang followers?
“Hindi ko pa alam. Yes, I’m doing a new TV sa GMA, it’s about clash. Pinaplano na ito last year pa. It’s a reality talent show.
“And then Viva’s asking me to do a movie pero hindi ako sure kung gusto ko pang mag-movie. Parang sa ngayon, hindi ko pa napi-feel mag-movie,” rason ni Mrs. Alcasid.
Meron pa siyang concert sa Cebu Waterfront Hotel sa January 20 kasama sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista, ang Three Hearts In One.
Nitong nakaraang holidays, kasama ng pamilya niya ang mga anak ni Michelle Van Eimeren at bagong asawa nito, at anak nila ni Ogie na sina Leila at Sarah.
“It was fun. Nu’ng Christmas namin, Michelle cooked dinner, ay, lunch and dinner. They cooked for the whole family dito sa bahay namin, Then the Alcasids, my husband’s clan, came.
“Tapos nu’ng New Year, I was the one who prepared and sina Michelle was also here. It was fun. Masaya. Simple lang naman. It’s nice kasi nandito lang kami sa Manila. Then, nag-Balesin kami,” tsika pa niya.
Pagdating sa panganay ni Ogie na si Leila, nagdesisyon na ang dalaga na mananatili na siya sa bansa.
“’Yun ang desisyon na niya. But Leila is going to continue her schooling. Sila ni Nate, enjoy silang magkakapatid. They love him. They’re crazy about him!
“At saka ‘yung anak ko, love na love sila. Malambing.
“Before tuturuan ko talaga. ‘You say hello! You kiss my friend.’ So ngayon pag alam niyang (nasa) bahay ang kaibigan ko, automatic na siyang nagki-kiss. Hindi ko na kailangang sabihan. Saka ‘yung kiss niya may hug!
“Nauuto ko pa kasi siya ngayon! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Regine.
Anyway, mapapanood ang #PaMore sa SM Mall of Asia Arena sa February 10, 2018 mula sa Starmedia Entertainment ni Anna Puno.
- Latest