^

Pang Movies

Bunsong anak ni Martin, nag-adjust na sa buhay sa ’Pinas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Na-meet ko nang personal kahapon, sa presscon ng coming soon concert ng kanyang tatay na si Martin Nie­vera, ang bagets na si Santino na eleven years-old pa lang pero mas matangkad pa sa akin.

How time flies. Ipinagbubuntis pa lang si Santino ng kanyang madir na si Katrina Ojeda nang magkita kami nito sa buffet ng Wynn Hotel sa Las Vegas noong 2006 dahil pare-pareho kaming nanood ng laban ni Manny Pacquiao kay Erik Morales.

Ngayon, mas malaki pa sa akin si Santino na carbon copy ni Martin.

Eleven years ago na pala nang magkakilala kami ni  Katrina at siyempre, sa tagal ng panahon, marami na rin ang nangyari sa relasyon nila ni Martin.

Alam ng lahat kung gaano ko kamahal si Martin kaya feeling ko, apo ko si Santino. Ewan ko lang kung papayag siya na maging lola-lolahan niya ako.

Nagbabakasyon sa Pilipinas si Santino. First time niya na makaranas ng Pasko at Bagong Taon sa bansa natin at wish ko lang, hindi siya katulad ng apo ko na si Kinsey na na-trauma sa traffic sa EDSA.

Afraid na afraid ang apo ko kapag dumaraan sa EDSA ang sasakyan namin dahil ang feeling niya, any moment, magkakabanggaan ang mga bus na naggigitgitan at nagkakarera sa kalsada. Kailangan pa na ipaliwanag sa kanya ng nanay niya na ‘yon ang normal scenario sa EDSA.

Krista Ranillo kuntento Na, negosyo ng pamilya sa Amerika lumalawak

Maraming salamat sa mag-asawang Niño Lim at Krista Ranillo na never na nakakalimot na magpadala sa akin ng Christmas gift.

Happily-married si Krista kay Niño na isang good husband, father at provider.

Tahimik na ang buhay ni Krista at apat na ang anak nila ni Niño. Na­dagdagan na rin ang mga branch ng kanilang mga Filipino store sa California at Las Vegas.

Contented wife and mother si Krista kaya wala nang dahilan para balikan pa niya ang showbiz. Masaya ako para kay Krista dahil ang ganda-ganda na ngayon ng buhay niya at masaya siya sa piling ng kanyang napakabait at masipag na asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with