^

Pang Movies

Sofia pinagbabawalan ni Diego na magbuyangyang!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ipinagtanggol ni Diego Loyzaga ang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Sofia Andres sa basher nito sa social media.

“May nagba-bash kay Sofia,” kuwento ni Diego sa farewell presscon ng afternoon series nilang Pusong Ligaw,” somebody was bashing her about are you insecure? Is that why you don’t post photos of yourself?”

Sana raw ay hinay-hinay naman ang mga bashers dahil 19 years old lang ito.

“Sofia’s 19, take it easy on the girl. Huwag naman kayo ganyan. Why do you have to bash? Alam mo, no one’s being insecure, it’s just that you, guys make an issue out of it,” pagtatanggol ni Diego.

“I said, ‘Sof, you know, you don’t have to prove to these people. You know who you are, be confident. I know you’re confident. You don’t have to prove anything to anybody.” Simple as that, sabi pa ni Diego.

Papuri pa ng young actor kay Sofia, “she’s a strong girl, matibay ‘to, sobra. Ang dami nang pinagdaanan, hindi lang halata. Marami siyang naranasan sa buhay. She’s a strong girl and I admire her for that, for being strong.”

Lately ay may mga posts din si Sofia sa kanyang IG account ng mga photos niya na may kaunti lang naman sexiness at ayon kay Diego, mas gusto raw niya kung hindi magpo-post ng ganito ang ka-love­ team.

“Pero if she does, it’s alright,” sambit ni Diego.

“Hindi naman niya kailangang ipakita sa iba, eh. You don’t have to show it all. Let them imagine what’s there, ‘di mo kailangang ipakita. Sabi ko nga sa kanya, ‘huwag ka ma-insecure, mas sexy ka sa mga nagpapakita, kasi ikaw, hindi mo kailangang magpakita, nagdu-drool na, naglalaway na ‘yung mga tao sa ‘yo.’ ‘Di ba? Totoo naman, eh.”

Natawa naman kami sa sinabi ni Diego at kung paano niya ipagtanggol ang lady love.

‘Yun nga lang, nang tanungin namin kung ano ba talaga ang status nila ngayon, kung sila na ba or what, sabi ni Diego, mahirap daw bigyan ng label pero aminado naman siyang mahal niya si Sofia.

“Halos everyday kami magkasama for the past three years and I don’t think there’s anybody in this world that knows me like Sofia does and vice versa, I don’t think that there’s anybody in this whole entire world knows Sofia more than I know her,” saad pa ni Diego.

Magtatapos na this week ang Pusong Ligaw at sobrang thankful ang dalawa sa lahat ng manonood na walang sawang sumubaybay sa teleserye kaya naman inabot sila ng nine months dahil lagi itong nae-extend dahil sa magandang ratings.

After Pusong Ligaw ay may Bagani na agad na kasunod si Sofia and this time ay hindi naman niya kasama si Diego. Ang young actor naman ay may bago ring project na ayaw pa niya sabihin kung ano.

Hindi rin nila masabi kung hiwalay muna sila basta depende pa raw talaga sa mga bosses.

Beauty hindi napilit sa beach wedding nina John Lloyd at Ellen

Tinawanan na lang ni Beauty Gonzales ang pang-uurirat ng entertainment press sa presscon ng Pusong Ligaw kung talaga bang ikakasal na ang best friend niyang si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Matagal na raw kasi silang hindi nagkikita ng kaibigan at ang masasabi lang niya sa ngayon, happy siya na happy ang dalawa.

Natanong din si Beauty kung wala pa ba siyang natatanggap na imbitasyon sa beach wedding nina Ellen at Lloydie na ayon kay Lolit Solis ay magaganap ngayong Pebrero.

Sagot ng aktres, wala naman daw at siya nga raw ang nag-iimbita sa dalawa sa isang beach.

“I’m going somewhere to a beach place, doon muna ako titira ng isang buwan, so ini-invite ko silang sumama sa akin do’n.”

When asked kung saan, ani Beauty ay secret daw.

“Basta isang buwan akong magiging taga-dagat,” sambit niya.

Biniro namin si Beauty na ‘yan na nga siguro ang beach wedding nina Ellen at Lloydie pero aniya, “hindi. That will be like ano pa, on my birthday, May. Matagal pa ‘yun.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with