^

Pang Movies

Magandang aktres na napapanood tuwing tanghali, nakalimutan maglinis ng ilong!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ewan kung ako lang ang nakapansin sa isang napakagandang aktres ng isang noontime show. How I wish na ako lang para hindi siya pagpistahan. Maganda siya, wala kang ipipintas at magaling umarte. Matangos ang ilong ni girl, medyo hilat lang ang butas kaya masisilip mo ang dumi o kulangot. Nakalimutan siguro ni girl na linisin ang butas ng ilong, ‘yung isa lang naman, bandang kaliwa ‘yun.

Posibleng tama ang hinala ko dahil the next scene after ng commercial ay wala na ang itim sa butas ng ilong ni girl.

Kaya sana, payo lang sa iba either nasa TV show ka, performer ka, o kahit guest lang, hindi po masamang sipatin ang mukha ng paulit-ulit, to make it sure na walang ipipintas sa inyo ang home viewers.

E, kayo ang lodi ng nakararami, kaya ingat-ingat din ‘pag may time mga tsuppatid. ‘Yun lang!

Pagkapangit ni Thea ipinagbunyi

Nagtawanan ang manonood sa aming bahay sa primetime show na Haplos ng GMA 7. Pumangit kasi ang kontrabidang si Thea Tolentino dahil sa pagkontra ni Sanya Lopez sa black magic na ginawa nito.

Bumalik ang sumpa kay Lucille (Thea) kung kaya tumanda at pumangit ang hitsura niya. Naku, tuwang-tuwa ang mga manonood! Wish nila na forever na siyang ganun.

Ganoon?! Marunong pa kayo sa script writers ng Haplos? Enjoy n’yo na lang ang panonood mga tsong and tsang!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with