^

Pang Movies

Alex sinagot ang paninigaw sa tatay ng bf!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

“Masakit pag yung mga taong nirerespeto mo ng sobra, hindi ka pala kayang respetuhin in return. Well, I guess hindi talaga ako kagalang galang. Okay, let’s move on. Natanggap ko agad. Hahaaha,” ang tweet ni Alessandra de Rossi sa kanyang Twitter account last Friday.

May tweet din siya about three persons na wala raw cre­dibility.

“Wala na kayong 3 na credibility. ETO REAL NEWS: Pagusapan nyo na bukas please,” tweet pa ng aktres.

Walang tinutukoy si Alex kung sino, pero ang latest issue kasi kay Alex ay ang blind item na ibi­nalita nina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Ali Sotto sa kanilang radio program sa DZBB last Friday na isang aktres na sinigawan daw ang tatay ng kanyang boyfriend.

Marami ang humula sa Twitter account ng DZBB na si Alex ang aktres dahil may clue rin kasi na ibi­nigay ang tatlong hosts na may letrang “A” daw sa pangalan ng aktres.

Nag-tweet din si Alex na “ba’t ko naman gagawin ‘yun” na tila sagot sa blind item.

Tweet pa niya ulit, “saang banda pwedeng mangyari ‘yang kwento na ‘yan?”

Sinasabing ang kasalukuyang boyfriend ngayon ni Alex ay ang aktor/singer na si Marc Abaya.

‘Yun daw ang nagraraos ng bayarin sa bahay.

Dennis ayaw makisawsaw sa mga ginagawa ni Jennylyn

Ayon kay Dennis Trillo, hindi raw niya napanood ang All Of You na pinagbibidahan ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at Derek Ramsay kaya ang mga reporter na ang nagsabi sa kanya na may backless scene si Jen sa naturang pelikula sabay-hingi ng kanyang reaksyon.

“Well, eksena ‘yun na kailangan mong gawin, so, wala naman sigurong dapat ikagalit do’n o pag-awayan. Siyempe ‘yun ‘yung nagbabayad sa mga bills namin, trabaho ‘yan eh,” sabi ni Dennis sa presscon ng The One That Got Away na bagong romantic-comedy series niya sa GMA 7.

Pero how true na hindi raw siya talaga nanonood ng mga pelikula ni Jen according mismo sa aktres?

“Kasi, pag may mga block screening o premiere night, siyempre, moment nila ‘yun, eh. Ayoko lang mang-agaw ng eksena or ano. Pero siyempre, ‘yung suporta ko, ‘yung pag-promote. . .(nandiyan pa rin)” sey niya.

Alam naman daw niya kung saan siya lulugar.

“Hindi ako ‘yung type na gustong magpa-star palagi or ano,” sambit niya.

Hindi naman dahil sa may awkwardness kapag may kissing scene or love scenes si Jen?

“Hindi naman. Marami na kaming parehong nagawang mga ganu’n and para sa amin, na-master na namin ‘yung lesson na ‘yun na trabaho lang ‘yun at hindi kailangang pagtalunan or pag-awayan.”

Natanong din si Dennis kung ano ang best Christmas gift na natanggap niya at sagot niya, ‘yung bigay daw ni Jen.

“’Yung gift ni Jen sa akin. Hindi ko na lang sasabihin pero siya kasi ‘yung tao na talagang. . .ano siya, eh, sobrang galante niya na pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ‘yung bagay na pag natanggap mo, eh matutuwa ka,” pagmamalaki ng aktor.

Anyway, happy si Dennis na bukod sa TOTGA na magsisimula na sa Jan. 15 sa GMA 7, may isa siyang malaking pelikulang nakatakdang gawin na aniya ay sobrang excited niya dahil dream role raw niya ito.

“Isa ito sa mga pinaka-aantay kong projects talaga and finally natupad siya and  mangyayari na ngayong taon,” masaya niyang kwento.

Hindi pa raw niya pwedeng sabihin ang detalye kahit nga gustong-gusto na niyang ikwento.

“Kating-kati na akong sabihin pero pagagalitan ako kapag (sinabi ko). Para sa akin, dream role ko siya. And dream ko rin na makatrabaho ‘yung grupo ng mga taong ‘yun,” sey pa niya.

Ang naibigay na lang niya na detalye ay crime-drama raw ito.

Sa ngayon ay isa pa lang daw ang nakatakdang movie niyang gagawin for this year pero kahit isa lang daw ito, sobrang solved na solved na siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with