^

Pang Movies

Kahit walwal at liberated, Ellen kayang magpaka-housewife!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

In fairness, marami ang boto na magpakasal na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna dahil nasa legal age na ang dalawa.

Tumigil na ang mga basher nina John Lloyd at Ellen dahil natanggap na nila na wala na silang magagawa bilang destined for each other talaga ang dalawa. Hindi naman nila maibibigay kay John Lloyd ang happiness na natatanggap nito mula kay Ellen.

Liberated at woman of the world ang image ni Ellen pero naniniwala ako na ideal housewife siya, base sa mga cooking video niya na lumabas noon. Bilib ang mga mhin sa mga babae na mahusay magluto ‘no!

At isa pa, hindi isolated case ang love story nina John Lloyd at Ellen dahil maraming tao ang first time na nagkatagpo pero na-in love kaagad sa isa’t-isa.

May mga tao naman na matagal na magkarelasyon pero hindi rin nagkatuluyan. May mga kuwento pa nga na ikakasal na lang, umaatras pa ang bride o ang groom.

James ramdam na ang pagiging lola ni Sarah

Matagal nang nagsimula ang shooting ng Tagalog adaptation ng Miss Granny na 20 Again na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Mismong si James Reid ang nagbalita na tuluy-tuloy ang shooting nila ni Sarah para sa bagong movie project nila sa Viva Films.

Napag-usapan ang Miss Granny sa presscon ng Revolution, ang pre-Va­len­tine concert nina James at Nadine Lustre sa Smart Araneta Coliseum sa February 9 dahil special guest nila si Sarah.

Si James ang gumaganap na apo ni Sarah sa Pinoy version ng Miss Granny. Panoorin n’yo na lang ang pelikula kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan para malaman ninyo kung paano napapayag si Sarah na gumanap na lola ni James.

Nadine open na sa kapatid na nag-suicide

Nakakapagkuwento na si Nadine Lustre tungkol sa suicide case ng kanyang kapatid noong October 2017.

Good sign ang pagsasalita ni Nadine tungkol sa tragic incident dahil nangangahulugan ito na natatanggap na niya ang pangyayari na nagbigay sa kanya ng depression.

Nakatulong kay Nadine ang mga payo ni James na okey lang na malungkot at umiyak dahil normal na ginagawa ito ng mga tao na may mga mabibigat na problema.

Si Nadine kasi ang tipo na hindi basta nagpapakita ng emosyon dahil kailangan niya na maging matapang para sa kanyang pamilya at sa ibang mga tao.

Mabuti na lang, may boyfriend siya na pala­ging nagpapaalaala sa kanya na hindi kasalanan ang maging transpa­rent at ilabas ang tunay na emosyon.

Eugene iiwan na ang career, sa Italy kapiling ang dyowa gustong tumira

How true na type na raw ni Eugene Domingo na manirahan nang permanente sa Italy para hindi na sila magkahiwalay ng Italian dyowa niya?

Tinamaan din ni Kupido ang puso ni Eugene kaya hindi natin ito masisisi kung sakali na totoo ang plano niya.

At least, realistic si Eugene. Alam niya na temporary lang ang showbiz career at pang-forever ang pagkakaroon ng pamilya.

Magaling na aktres si Eugene. Kahit maging per­manent resident siya sa bansa ng kanyang dyowa, any moment, puwedeng-puwede na balikan niya ang showbiz career na iiwanan.

Basta magaling ang artista, palaging may puwang  sa entertainment industry kaya I believe na makakabalik si John Lloyd kapag tinapos na nito ang kanyang showbiz hiatus. Matagal na pinaligaya ni John Lloyd ang fans niya. It’s about time na asika­suhin naman niya ang kanyang personal happiness.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with