^

Pang Movies

Mateo Lorenzo guwapo at macho pa raw, Erich nakabingwit ng bilyonaryong dyowa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Suwerte rin si Erich Gonzales.

Hindi man siya nanalong best actress sa ginaganap na Metro Manila Film Festival para sa pelikulang pinagbibidahan niya, ang Siargao, na hanggang ngayong araw na lang mapapanood sa mga sinehan, masaya naman ang puso niya.

Ayon sa source, bilyonaryo ang bagong manliligaw ba o boyfriend na ng Kapamilya aktres.

Sabi kasi ni Erich sa mga interview niya, wala pa siyang time na makipag-relasyon uli pero ayon naman sa kuwento ng isang source, GF na raw nito ang aktres na bida sa pelikulang Siargao na nanalo ng seven major awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF.

Sobrang yaman, guwapo at matalino diumano si Mateo Lorenzo na sinasabi ngang special sa puso ng actress.

Dating may-ari daw ito ng food chain na Pancake House.

Ex girlfriend ni Mr. Lorenzo ang Miss Intercontinental 2017 Philippines Katarina Rodriguez ayon pa sa source.

Pag-aari din daw ng Lorenzo family ang kumpanyang La Panday, isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa.

At isa raw ang mga Lorenzo sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas.

At kung may hitsura na si Daniel Matsunaga na ex ni Erich, mas guwapo at macho pa raw ito.

Hindi active sa social media si Mr. Lorenzo. Nang bisitahin ko ang Facebook account. Last year pa ang huling post niya.

Ex din ng actress ang boyfriend ngayon ni Arci Muñoz na si Anthony Ng.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with