^

Pang Movies

Member ng Masculados na nakulong sa shabu lumala ang kaso nang magpakilalang artista!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dinampot ng mga pulis sa Lower Bicutan, Taguig ang isang member ng Masculados na si Robin Robel at ang kanyang kasamang kinilalang si Rodel Isaac. Napansin kasi ng mga pulis ang isang kotseng nakahinto sa kalye at nang sitahin ay sumagot si Robin at nagpakilalang “isa siyang artista”.

Nag-search ang mga pulis at nakunan siya ng dala­wang plastic ng hinihinalang shabu na tumitimbang daw na 240 gramo. Kung iisipin, marami na iyan at magkano na nga ba ang isang gramo ng shabu ngayon?

Wala naman siyang naging resistance nang arestuhin at sa oras na nagsusulat kami, sinasabing nakakulong pa rin siya sa Taguig Police station.

Hindi namin alam kung ano ang magiging statement nila sa mga bagay na ito. So far ang naririnig pa lang namin ay kung ano ang sinabi ng pulisya.

Sigurado kami na magbibigay ng statement ang kanyang manager na si direk Maryo delos Reyes matapos na magkausap sila at malaman ni direk ang talagang pangyayari. Wala rin namang sinabi si Robin, ni hindi siya nag-deny na sa kanya nga ang dalawang plastic ng shabu na sinasabing nahuli sa kanya.

Ang masasabi lang namin, kung minsan kasi hindi naman tayo dapat nagpupunta sa mga lugar na medyo delikado. Kagaya nga noon, nakahinto ang kanilang sasakyan sa isang lugar na nakakapagduda. Siguro kung sila ay nasa isang lugar na ayos lang, may papansin kaya sa kanila kung makikita silang nag-uusap lamang sa loob ng kanilang sasakyan? Ikalawa, alam naman natin na kahit na nga iyong mga maliliit na bagay lamang, lumalaki basta ang involved ay isang artista, iyong ginawa niyang pagpapakilala na isa siyang artista, palagay namin doon pa siya mas napahamak. Natural celebrity ka eh, hindi ka na pakakawalan kung may nahuli sa iyo.

Angel nainggit lang sa lovelife ng mga ex kaya biglang inamin si Neil?!

Noong una, hindi pa umaamin sino man kina Angel Locsin at Neil Arce ng kanilang relasyon, kahit na nga halos ipinagpipilitan na sa kanilang aminin na iyon. Kung sa bagay, hindi na naman kailangang magsalita sila dahil halata naman, at saka noon nga sinasabing si Angel na talaga ang niligawan ni Neil matapos silang mag-split ni Bela Padilla.

Pero may mga taong mapanuri talaga. Ang sinasabi naman nila ngayon, biglang may statement si Angel na ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Neil ang pinakamagandang nangyari sa kanyang love life. Halos kasabay nga naman iyon nang pagsasabi rin ng dati niyang boyfriend na si Phil Younghusband na engaged na sila ng kanyang girlfriend na si Margaret Hall. Nauna lamang nang kaunti riyan, ang kumakalat na kuwento na hinihintay na lamang ni Jessy Mendiola na yayain siyang pakasal ni Luis Manzano, na naunang naging boyfriend ni Angel, at binalikan pa ulit noong mag-split sila ni Phil.

Hindi kaya nagkakataon lamang naman? Aktres parang houseboy kung utus-utusan at tilian ang tatay ng BF!

Pinag-uusapan nila ang isang female star na kung sigaw-sigawan daw ang tatay ng kanyang boyfriend, at kung utusan iyon akala mo houseboy niya. Kilala siyang mataray pero hindi naman siguro tama na ginagawa niya ang ganoon sa tatay ng boyfriend niya lalo na at sa harap ng ibang mga tao.

Kung sa bagay, noon pa naman sinasabing talagang medyo magaspang ang ugali niyang aktres na iyan, pero hindi namin akalain na pati tatay ng boyfriend niya tinatarayan niya nang ganoon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with