^

Pang Movies

Matapos amining sila na Beach wedding nina John Lloyd at Ellen handang-handa na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May taga-Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week of January or either early February. Kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag-christmas at New Year si John Lloyd.

Kasama raw sa major sponsors si Dr. Cuanang ng St Luke’s at dating secretary na si Bert Romulo, tatay nina Roman at Mons Romulo.

Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen.

So happy na talagang gagawin nilang legal ang kanilang love. Bongga talaga  Mama Salve dahil ‘di ba kahit ano pang sabihin nila, na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal.

Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya.

Hayy happy love news for us especially ‘di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga.

Kahit maligaya sa BF, Lovi ayaw pang pakasal sa Frenchman!

Past is past na kaya hindi sinabi ni Lovi Poe sa mga reporter na nakausap niya sa presscon ng The One That Got Away ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na naimbyerna nang husto nang makipaghiwalay siya.

Kahit hindi nagbanggit ng name, may idea ang mga reporter sa identity ng mhin na nakapagsalita ng masakit laban kay Lovi dahil hindi matanggap na iniwan siya ng sexy actress.

Kakaiba si Lovi dahil minsan, inaabot ng isang taon bago siya makipaghiwalay dahil pinag-aa­ralan niya na mabuti ang pasya. Binibig­yan din ni Lovi ng chance ang dyowa na magbago pero kapag hopeless na ang sitwasyon, nagbababu na siya kaya madali para sa kanya ang mag-move on.

Sa ngayon, maligaya si Lovi sa kanyang French boyfriend na si Chris Johnson pero wala pa sa plano nila na magpakasal, kahit magkasun­dung-magkasundo sila.

John Lloyd, Ellen, Derek, at Maine kapuri-puri ang katapangan!

Gusto kong purihin ang mga artista natin na hindi natatakot na gawin ang mga gusto nilang gawin.

Hindi nila itinatago ang mga bagay na kinatata­kutan na baka makaapekto sa kanilang career at buhay nila.

Saludo ako kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na ginawa ang mga bagay na they think would free them from the box.

Okey lang sa kanila na maapektuhan ang career, okey lang na mawala, basta type nila na ipakita kung sino talaga sila.

Si Derek Ramsay, may anak na ang kanyang girlfriend pero openly, sinasabi na gusto niya na pakasalan.

Hindi taga-showbiz, hindi sikat na artista si Joanne Villablanca pero isinasama siya ni Derek sa ilang okasyon, kasama ang kanilang mga anak.

Naalaala ko tuloy ang news na nabasa ko tungkol sa isang babae na hiniwalayan ang kanyang asawa na mahal na mahal siya.

Biglang nagdesisyon ang girl na mag-file ng divorce dahil hindi niya gusto na pinababayaan at inaaway ng kanyang asawa ang nanay nito.

Simple pero kahanga-hanga ang katwiran ng girl na kahit mahal na mahal siya ng asawa niya, puwede nitong gawin sa kanya, someday, ang disrespect ng mhin sa sariling ina.

Si Maine Mendoza, open letter lang ang inilabas niya pero doon niya sinabi ang lahat  ng gustong sabihin.    

Marami ang nagalit, marami ang nagsabing maaapektuhan ang career niya pero inilabas pa rin ni Maine ang nilalaman ng kanyang puso at utak.

Nakakabilib din ang mga artistang babae na itinutuloy ang pagbubuntis, kahit maapektuhan ang takbo ng career nila.

Napakasarap ng ganoon na pakiramdam, wala kang itinatago, free ka. Magandang attitude ‘di ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with