^

Pang Movies

BB nalimas ang mga naipon kaya naging driver na lang sa US

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayon lang inamin nang diretso ni BB Gandanghari, o Rustom Padilla kung gaano kahirap ang buhay na dinanas niya sa US, kaya ngayon nagtatrabaho siya bilang isang Uber driver sa US.

Nang magpunta siya sa US, umasa siya na pagkatapos ng kanyang gender change at kilalanin siya ng hukuman bilang isang babae para madali siyang makakakuha ng trabaho bilang isang model o kahit na isa pang artista sa Hollywood. Pero may isang reality na hindi siguro naisip ni BB, una, kahit na ano pa ang sabihin, hindi naman siya likas na kano. Asyano pa rin siya. Pangalawa, transgender siya. Dapat sana pinag-aralan muna niya ang chances ng isang Asyano at isang transgender sa Hollywood bago pa siya naghanap ng isang agent at umasang may makukuha siyang trabaho.

Inamin niya na makalipas lang ang ilang buwan, naubos ang pera niya, nagdaratingan ang mga bayarin niya, at wala pa siyang nakukuhang trabaho. Kaya nga para maka-survive, nag-Uber driver na lamang siya sa US. Wala namang masama sa pagiging isang Uber driver. Legal at marangal na trabaho iyan. Pero talagang sa US, mahihirapan pa ang mga Pinoy.

Ilang mga sikat na artistang Pilipino ang nagtungo sa US, at umuwi rin sa Pilipinas matapos na mapagod sa pagtitinda ng kaldero noong araw? Hindi ba mas­ki si Gabby Concepcion ay tumakbo sa US, naging real estate agent, at tapos naisipan niya bakit nga ba siya nagpapagod ng ganoon eh ma­aari naman siyang ma­ging artista ulit sa Pilipinas?

Kahit na nga si Lea Salonga, sikat na sa US at sa London. Nanalo na ng mga award. Pero dahil Asyano siya, limitado pa rin ang magagawa niya sa show business doon. Kaya ang ending, narito si Lea.

Kung sa bagay iba ang kaso ni BB. Sikat siya sa Pilipinas bilang isang leading man. Guwapo naman talaga si Rustom noong araw, at saka marunong naman siyang umarte kaya siya sumikat. Pero kahit dito sa Pilipinas, ano nga bang roles ang maaa­ring gawin ng isang transgender? Comedy lang ang maaari niyang bagsakan kahit dito sa atin. Baka wala rin siyang masyadong makuhang roles.

Kung sa bagay, may Uber at Grab na rin naman sa Pilipinas.      

Super Tekla nagmamadaling bumalik ng Pinas

Nasa Canada para sa isang serye ng performances si Super Tekla, kasama ang iba pang mga komedyanteng kinabibilangan ni Donita Nose, nang makarating sa kanya ang balita na namatay ang bunso niyang kapatid na babae, na kinilalang si Marife Librada. Sinasabi sa mga reports na si Marife raw ay nag-suicide.

Masakit para kay Tekla ang nangyaring iyon, lalo na at hindi siya naniniwalang nag-suicide ang kanyang kapatid. Nagmamadali siyang umuwi sa Pilipinas para sa libing ng kapatid niya at tuloy ay makahingi ng tulong sa ating embassy sa Kuwait para imbestigahan ang totoong pagkamatay ng kanyang kapatid.

Iyang ganyan ang napakasakit na tanggapin talaga, lalo na’t kasisimula pa lamang ng bagong taon

Aktor at singer na parehong silahis, bistado na ang romansahan!

Pilit nilang ibinubuko ang relasyon ng isang actor at isang singer na sinasabi nilang pareho namang mga bisexuals. Eh ano ba ang pakialam nila kung may relasyon man ang dalawa eh wala naman silang tinatapakang ibang tao. Nasa tamang edad na rin naman sila. Ang mga pilit namang nagbubulgar sa kanilang relasyon ay mga bading din na gaya nila. Kung sa mga tingin ng mga bading ay masama ang relasyong iyon, bakit bading din sila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with