Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Max very Audrey Hepburn nang maayusan!

Dalaga pa si Max Collins nang umpisahan nito ang taping para sa The One That Got Away kaya sure na tungkol sa marriage life niya kay Pancho Magno ang itatanong sa kanya sa presscon ng primetime teleserye ng GMA 7 na magsisimula sa January 15.

Ikinasal si Max noong December 11 kaya first Christmas at first New Year nila ni Pancho bilang husband and wife na tiyak na uusisain ng mga reporter.

Sa tatlong mga bida ng The One That Got Away, si Max lang ang taken na dahil single pa rin ang kanyang mga co-star na sina Lovi Poe at Rhian Ramos. Isa si Max sa mga aktres na may maganda na mukha. Hindi ko nga siya nakilala sa billboard niya na nakita ko sa EDSA noong papunta ako sa birthday party ni Bambbi Fuentes sa The Fort dahil very Audrey Hepburn ang kanyang aura at mukha.

Tumataas na bilang ng HIV, swak sa bagong GMA show

Ang GMA 7 ang buwena mano sa mga presscon ngayong 2018 dahil sunud-sunod ang airing ng mga bagong programa nila.

Tonight ang press launch ng The One That Got Away at kasado na rin ang mga presscon ng The Stepdaughters, Sirkus, Hindi Ko Kayang Iwan Ka at Contessa.

Very challenging ang role ni Yasmien Kurdi sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil isang HIV positive victim ang gagampanan niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Timely ang showing ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil nagiging problema sa bansa natin ang tumataas na bilang ng mga kabataan na HIV positive.

Excited si Yasmien sa role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network dahil kakaiba at kapupulutan ng aral ang kuwento ng bagong afternoon drama series na pinagbibidahan nila ni Mike Tan.

Alfred pinagbigyan ang hiling ng mga anak nung bagong taon

Dumating na si Congressman Alfred Vargas at ang pamilya nito mula sa short vacation nila sa Hong Kong. Nag-celebrate ng Bagong Taon sa Hong Kong ang Vargas family dahil ang Disneyland favorite place ng dalawang anak na babae nina Alfred at Yasmine.

Hindi nagtagal ang Hong Kong trip nina Alfred dahil kailangan siya sa taping ng Kambal Karibal na habang tumatagal, gumaganda ang mga eksena at bongga ang reviews ng televiewers. Nagpapasalamat si Alfred sa lahat ng mga tumatangkilik sa primetime teleserye ng Kapuso Network.

Mark aamin na sa totoong kasarian

Nabasa ko ang mga interview at news tungkol sa biography book ni Mark Bautista.

Naiintriga ako sa mga naririnig ko na super controversial ang libro ni Mark na sure na sure raw na pag-uusapan at gagawa ng ingay.

Ngayon pa lang, marami na ang waiting sa pasabog na memoir ni Mark na isa sa mga favorite singer ko. Hindi ko makakalimutan ang pagdalaw noon ni Mark kay Bong Revilla, Jr. sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Dahil napatunayan ko na mabuting tao si Mark, susuportahan ko ang libro niya na may pamagat na Beyond My Mark at suportado ko ang anumang big decision niya sa kanyang career at personal life. Promise!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: