Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sofia ayaw patalo sa hubad na picture ni Diego!

Aabangan ng entertainment press si Diego Loyzaga pagharap niya sa presscon ng coming movie niyang Mama’s Girl. Bigla kasing lumutang sa Instagram story ang hubad niyang picture na kita ang nota, huh!

Pero agad ring tinanggal ito ng aktor, huh!

Si Diego ang artistang nagpabwena-mano ng hubad niyang photo sa social media. Eh, may on-going series ngayon ang aktor kaya may nagkainteres sa hubad niyang litrato.

Kung si Diego matapang mahubad nang todo-todo, ang ka-loveteam (at girlfriend?) na si Sofia Andres na kapareha niya sa Regal’s first offering ay unti-unti namang nagpapasilip ng kanyang alindog na dinispley niya nitong nakaraang araw.

Buntis na misis ni ka Freddie, iniligtas ang sarili sa sunog

Masaklap ang pasok ng bagong taon kay Freddie Aguilar. Natupok ang bahay niya sa Farview, Q.C. pati ang gamit niyang ipinundar ng maraming taon.

Ayon sa interview kay Ka Freddie, bukod sa malaking bahay, pinanghihinayangan din niya ‘yung koleksyon niya ng gold record awards pati na ‘yung classic guitars ng kanyang pinagkagastusan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sey naman ng kanyang misis na buntis, dahil sa takot masunog, tumalon siya mula sa second floor ng bahay upang mailigtas ang sarili. Wala naman daw nangyaring hindi maganda sa ginawa niya pati sa magiging anak nila ni Ka Freddie.

Milyones ang halaga ng nasunog na mansiyon ni Ka Freddie.

Sharon naaliw sa pangkalikot sa mukhang regalo nila Juday

Naloka si Sharon Cuneta sa regalo ni Judy Ann Santos na sumeryoso sa galing niya sa pagtanggal ng black heads, white heads at pimples.

Sa isang post kasi ni Shawie sa IG, may video siya na tinatanggalan niya ng black heads si Robin Padilla, huh! Expertise raw niya ‘yon pagmamalaki ng Megastar.

Kaya naman nu’ng matanggap niya ang gift ng Sis Juday niya, buong ning­ning niyang ipinamalaki yon sa IG, huh! Ito raw kasi ang pinakagusto niya sa lahat ng regalong naibigay sa kanya.

“Ha! Ha! Ha! Ha! I love all your gifts but this is one of my favourites, Makakatanggap na ako ng mga pasyenteng magpapatanggal ng blackheads/whiteheads/foreheadpimples!!! Pandagdag sa existing tools ko para mas mabilis ang turnover. Thanks so much!!! Thanks  also to Rye, Ate Yohan, Lucho and Lunny-bunny! Happy new year!!!” caption ni Shawie.

Samantala, ngayong Sabado, January 6 ang birthday ni Sharon habang sa January 8 naman ang kanyang 40th year sa showbiz.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: