Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alden pinigilang umiyak!

Napaiyak ng Dabarkads ang birthday celebrator na si Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang 26th birthday celebration sa Eat Bulaga kahapon. Pagkatapos kasi ng opening number ng show, pinanindigan ni Alden na hindi siya iiyak, kaya kahit anong gawin nina Allan K at Ruby Rodriguez na paiyakin siya, hindi raw siya iiyak. Pero nang sabihan siya ni Allan K na kantahin ang God Gave Me You at i-dedicate sa kanyang Mommy Rio, naiyak na rin si Alden. 

Kung nagbi-birthday daw kasi ang isang tao, kasabay din niyang nagbi-birthday ang inang nagsilang sa kanya. Nagbigay din sila kay Alden ng message sa mommy niya na siyang may gustong mag-artista siya.

“Ma, araw-araw tayong magkasama dahil lagi kitang kausap lagi kang kasama sa dasal ko, sayang nga lamang na hindi mo nakita ang mga nangyari sa akin na gusto mo,” message ni Alden na nabasag na ang boses. Kaya pinapunta na lamang siya ng Dabarkads sa labas ng studio dahil puno naman ng cakes mula sa kanyang fans at sa fans nila ni Maine Mendoza ang lobby.

Nasa barangay naman si Maine kasama nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na isa-isang nagbigay ng mensahe kay Alden.

Si Maine, “happy birthday Alden, nasa iyo na ang lahat na pwede mong mabili, pero kung anuman iyong hinihi­ling mo sa buhay at saka iyong inaasam ng puso mo, sana ibigay sa iyo.”

Nang tanungin ni Tito Sen si Maine kung nauna na niyang nabati si Alden, “yes po, kanina pong umaga, 3:05 AM.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ano naman kaya ang birthday wish ni Alden ?

“I’ve been blessed sa three years na narito ako sa longest running noontime show. Pero ang talaga ko pong wish ay sana mawala na iyong too much hate sa mga tao na hindi na po natin nakikita ang kabutihan ng iba. Tulad nga nang sabi ng nag-text sa akin kaninang uma­ga, sabi niya ‘do more of what makes you happy’.”

Naglaro ng Pinoy Henyo ang mga taong close kay Alden, sina Kristoffer Martin, ang pinsan niyang si April Penaranda, Bea Binene at Sam Sanciangco, his handler at sina Mark Herras at ang PA niyang si Tenten Mendoza.

Iba rin ang EB dahil tuloy pa rin ang kanilang “Give Love on New Year’s Day” at dahil si Alden ang may birthday, siya ang lumabas ng studio para bumili ng gift na request ng dalawa mula sa studio audience.

Tumanggap ng washing machine with dryer at isang malaking television set ang natanggap na New Year’s gift mula kay Alden Richards. Happy birthday RJ! May promise niyang sushi na request ng Dabarkads ngayong araw ng Wednesday.

Selebrasyon ng anibersayo nina Dingdong at Marian patok sa netizens

Ang daming na-inspire at natuwa sa sweetness ni Dingdong Dantes sa kanyang asawang si Marian Rivera sa pagsi-celebrate nila ng kanilang 3rd wedding anniversary last December 30, sa Siargao Island in Surigao.

Ipinost ni Dingdong ang ginawa niyang video sa kanyang Facebook account Jose Sixto Gonzales Dantes III na as of January 2, ang video ay nakakuha na ng more than 1.5 million views, more than 86 thousand Likes at kahit si Marian ay nag-share nito with other 29.3 thousands. 

Napakarami na rin ng comments at sabi ng iba, naiiyak daw sila sa tuwa sa ginawa ni Dingdong at sa mga ipinost niyang mga pictures nilang mag-asawa at ni Zia.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: