Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Luis maraming beses nang nag-propose kay Jessy!

Narinig namin na eager na sina Luis Manzano at Phil Younghusband, parehong naging ex ni Angel Locsin, na pakasalan ang kani-kanilang respective girlfriend this year.

Luis, who will be 37 in April, ay balitang maraming beses nang nag-propose kay Jessy Mendiola, 25, na pakasal na sila.

Plus factor kay Jessy na mukhang tanggap siya ng mommy ni Luis, ni Lipa Respective Vilma Santos-Recto na maging manugang.

Si Phil naman, na kilala bilang sportsman (popular star striker ng grupong Azkalz), has recently proposed sa kanyang Spanish girlfriend, na may dugong Pilipino, si Margaret Hall, na buong pusong tinanggap naman ng huli.

Marami ang may gustong makaalam kung ano ang reaksyon ni Angel sa mga report na ito, na feel namin ay ipinagkibit balikat niya.

Common knowledge na in love na rin si Angel sa producer na si Neil Arce.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Busy din siya dahil kasalukuyang siyang napapanood sa trending series na La Luna Sangre, kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

Member naman siya ng board of jurors na binubuo nina Vice Ganda, Robin Padilla and former ABS-CBN President Freddie Garcia sa bagong season ng reality show na Pilipinas Got Talent (PGT).

Celebrity Interviewers kailangang mag-research!

Salve A., may mga question pa lang tinatanong ang mga host, lalo’t sa TV, na sensitive para sa mga iniinterbyu na celebrity.

Isa na rito ay ang tanong na halimbawa, kung bakit wala pang anak ang matagal nang mag-asawa.

Now, why? Iba iba ang dahilan. Na ang iba ay masyadong personal. Ang iba naman ay may medical reasons.

Kaya, let’s hope na i-take note ito ng celebrity interviewers, mapa-TV man o hindi.

Janine ginagastusan na ang mga kapatid

Admirable raw bilang kapatid si Janine Gutierrez, ayon sa kanyang ina na si Lotlot de Leon.

Mag-isa nang naninirahan sa isang plush condominium sa Quezon City si Janine pero kahit ganoon, nananatili pa rin siyang malapit sa mga kapatid na sina Diego, Maxine at Jessica.

Now that she is already earning quite well, from her work in showbiz, walang hiling ang hindi niya pinagbibigyan sa kahit sino sa mga kapatid. Kamakailan lang ay dinala niya sa Hong Kong ang mga kapatid.

Malapit si Janine sa kanyang lola, ang music icon na si Pilita Corrales. Pag-amin pa niya, isa sa Christmas wish niya ang makasama ang aguela (grandmother).

Noong bata pa raw kasi siya, they used to spend all holidays, especially, Christmas, sa bahay ng kanilang lola.

“Lola Pilita made sure she prepared not just good food and gifts. But, most of all with love.

“As far as myself and my siblings are concerned, she is the best lola in the world,” tukoy pa ni Janine.

Nora gusto nang manirahan sa Bicol

By the way, how true na type na raw ni Nora Aunor, adopted mom ni Lotlot, na mag-retire na sa showbiz at mamirmihan na sa Bicol?

Maraming properties daw si Guy (Nora), mostly real estate, sa Iriga City, ang kanyang homeplace sa Bicol.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: