Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pelikula ni Vice ‘di umabot sa dasal na isang bilyon!

‘Hindi umabot sa kanyang pinapangarap na isang bilyon ang kita ng pelikula ni Vice Ganda, pero nang mabigyan iyon ng People’s Choice Award, maliwanag na sila na nga ang top grosser sa unang dalawang araw.

Mahahalata mo naman eh, ilan nga ba ang nadag­dag na sinehan sa kanila matapos na alisin naman ang mga pelikulang hindi kumikita?

‘Yung isang theater manager na kakuwentuhan namin, sinabi sa amin na naging consistent naman ang pelikulang Ang Panday ni Coco Martin, na kahit na nga hindi naging top grosser sa unang mga araw, posibleng kumita nang mas malaki pa kasi nga consistent ang dating ng nanonood noon. Dahil pambata nga ang sabi nila, “nakikita naming pumapasok ngayon iyong mga pamilya na dati ay nawala.”

May pila pa rin ang sinasabi nilang third sa mga box office grosser na Meant to Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. Naging pang-apat naman ang Haunted Forest na kahit na inisnab sa awards night ay tinangkilik naman ng manonood.

Mayroong isang punto na hindi natin dapat palampasin. Hindi rin kumita ang pelikulang humakot ng awards. Iyong dalawang humakot ng pinaka mara­ming awards, nanatiling bottom holder. Ang punto namin diyan, hindi na talaga pinapansin ang awards sa ngayon. Masyadong marami na kasi ang nagbibigay ng awards, nagsasawa na rin ang mga tao.

Noong nakaraang taon, ang napag-usapan lamang at nasabing credible ay iyong The Eddys na ibinigay ng mga entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo. Iyong iba, para bang isang araw lang pinag-usapan at wala na. Ni hindi nga nag-rate ang mga telecast ng mga awards.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Noong araw, kaya inilagay sa third day ng festival ang awards night, naniniwala sila na ang mga mananalo ay aangat sa takilya. Hindi na nangyayari ngayon. Siguro kailangang pag-aralang mabuti kung bakit at pag-isipan kung ano ang magagawa para muling makatulong ang mga awards sa pelikula.

Maine ang JoWaPao ang mas na-miss!

May papansinin lang kami. Matapos ang pagbabalik ni Maine Mendoza sa kanilang noontime show, bumuhos ang napakaraming reaksiyon sa social media, at lahat sila ay posi­tibo sa pagbabalik ni Maine. Mukhang naging happy ang audience, at parang dinagukan na naman ang kalaban nilang show.

Kaya nga doon sa istorya mismo ng kanilang network online, tinawag nila si Maine na isang “phenomenal star”. Totoo naman iyon, dahil iyang batang iyan ay bigla na lang sumikat at hindi binigyan ng matinding push tulad ng iba. Kung sa bagay, may followers na naman siya talaga sa social media bago pa siya kinuha ng Eat Bulaga, kaya nga siya ang ipinalit sa nauna nilang kinuhang dalawang models na hindi pinansin ng fans.

Pero ang gusto naming pansinin ay iyong naging post mismo ni Maine. Kasama niya sa picture sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, at sinabi niya “miss ko talaga kayo mga kuya”. Mukhang maliwanag na iyong tatlo ang mas na-miss niya. Para na namang binuhusan ng malamig na tubig ang umaasa pa sa iba.

Aktor walang magawa sa career kaya tuloy ang pagsa-’sideline’

Takot na takot ang isang male star sa kanyang misis. Alam niya kasi na malaking gulo at maaaring layasan siya ng kanyang misis kung madidiskubre ni misis ang kanyang mga ginagawang “sideline”.

Hindi naman niya maiwasan dahil madalang pa sa patak ng ulan kung may El Niño ang dating ng assignment sa kanya. Lahat naman ginagawa niya. Payag siya sa mga role bilang goons. Payag nga siya maski na sa bold eh, pero wala pa rin. Nagkikita pa rin daw sila ni direk. Nagkikita pa rin sila ng ilan niyang “friends”.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: