^

Pang Movies

Tim Yap ikinasal na sa New York!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tim Yap ikinasal na sa New York!

Javi Martinez Pardo at Tim Yap

Congrats kay Tim Yap at sa kanyang partner na si Javi Martinez Pardo dahil ikinasal sila sa New York City noong Christmas Day.

At least, legal na ang pagsasama ng dalawa na parang kailan lang nang mag-propose si Tim ng kasal dahil after eleven months, Mr. & Mr. Yap Prado na ang dalawa.

Matagal kaming nagsama ni Tim sa Tweetbiz, ang natsugi na showbiz talk show namin sa QTV11 kaya alam ko na mabuting tao siya.

Happy ako dahil sa wakas, natagpuan ni Tim ang kanyang forever.

Huli kaming nagkita nina Tim at Javi sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong September 2, 2017.

Sina Tim at Javi ang punong-abala sa Kho-Belo Nuptials dahil ang kompanya nila ang wedding planner nito.

Bonggang-bongga ang church wedding, lalo na ang wedding reception kaya napatunayan ko na mahuhusay na events planner ang magdyowa.

Hindi ako magugulat kung pagkatapos ng Belo-Kho wedding, nadagdagan ang mga kliyente nina Tim at Javi dahil very competent sila. Hinding-hindi ko makakalimutan na pinagbigyan agad ng magdyowa ang special request ko at knows mo kung ano ‘yon, Salve, dahil saksi ka.

Nakita ko talaga sa Paris na in love na in love sa isa’t isa sina Tim at Javi pero hindi pumasok sa isip ko na magpapakasal sila noong December 25 as in kasukob nila sa taon sina Vicki at Hayden na hindi naman negative o masama dahil hindi naman magkakamag-anak ang apat.

Ang forever happiness at success ng kanilang same-sex marriage ang mga wish ko para kina Tim at Javi.

Alden at Maine pinaghiwalay na?!

Fresh na fresh si Maine Mendoza nang umapir siya kahapon sa New Year presentation ng Eat Bulaga.

Actually, nakatulong kay Maine ang matagal na pagkawala sa Eat Bulaga dahil nabigyan siya ng mahabang panahon ng pamamahinga kaya na-recharge ang beauty niya.

Halata naman na excited si Maine sa pagbabalik nito sa Eat Bulaga dahil na-miss niya nang husto ang noontime show na nagpasikat sa kanya.

Irrelevant na kung true ang tsismis na nasuspinde si Maine dahil sa kanyang open letter sa AlDub fans kaya nawala siya sa Eat Bulaga. Mas mahalaga sa fans ng loveteam nila ni Alden Richards na bumalik na siya para ipagpatuloy ang kanilang pagbibigay ng isang libo’t-isang tuwa sa televiewers.

May mga nagmalisya naman na mukhang paghihiwalayin muna sina Maine at Alden dahil hindi sila pinagsama kahapon sa New Year presentation ng Eat Bulaga.

Nasa Eat Bulaga studio si Alden at naka-duty sa isang barangay si Maine, kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, etc.

Uulitin ko ang sinabi ko, paghiwalayin man sina Alden at Maine, sure ako na malakas pa rin ang kanilang loveteam at magkakaroon sila ng mga solo career sa showbiz dahil phenomenal nga ang pagsikat ng tambalan nila.

In all fairness kay Alden, sikat na siya dahil sa daily exposure niya sa Eat Bulaga bago pa sila nagkaroon ni Maine ng accidental AlDub loveteam.

Milyun-milyon ang fans nina Alden at Maine. Kung may mabawas man dahil nagtampo sa open letter na lumabas, mas marami pa rin ang naniniwala at sumusuporta sa kanilang loveteam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with