^

Pang Movies

Daniel hindi na dapat pumapatol sa walang katuturang pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Payo sa pagpasok ng taon

Bagong taon at magbagong buhay, nang lumigaya ang ating bayan. Tayo’y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan,” sabi ng liriko ng sinasabing pinakasikat na awiting Pamasko sa mga Pilipino na isinulat ng henyo at national artist na si Mang Levi Celerio.

Marami nga sigurong dapat baguhin. Isa na riyan si Daniel Padilla. Dalawang ulit na siyang nananalo bilang Best Actor. Palagay namin dapat na ngang pangalagaan ang kanyang mga ginagawang pelikula sa 2018. Dapat iwasan na niya ang mga role na pasama-sama lamang siya kagaya niyang pelikula ni Vice Ganda. Dahil hindi lumalabas ang talent niya na kinikilala na ng mga kritiko.

Matuto lamang sa kanyang career si Daniel, tiyak na magtatagal at masasabi mo ngang iyan ang maaaring kilalaning isang actor talaga. Hindi nga ba sinabi ng kanyang naging director na si Olivia Lamasan na “maaaring si Daniel ang makasunod ni Aga (Muhlach)”.

Kailangan iwasan na ni Daniel ang mga pelikulang walang patutu­ngu­han. Kailangan mamili na rin siya ng mga role na kanyang gagawin.

Bye muna John Lloyd/Nadine, Sarah at James  masusubukan

Isa pang kinakitaan ng maagang pagbabago ay si Sarah Geronimo. Tiyak iyon, apektado ang kanyang mga pelikula sa biglang pagbabago rin ng sinasabing pinakamalakas na leading man niya batay sa records na si John Lloyd Cruz.

May ginagawa siyang pelikula ngayon na katambal naman si James Reid. Walang dudang sumusubok naman sila ng isang bagong kumbinasyon.

Okay din namang artista si James at hindi dapat sinasayang  sa puro lamang love team kay Nadine Lustre. Sa ngayon ay okay pa sila, pero basta nagtagal pa iyan, aywan kung ano na ang mangyayari sa career nilang dalawa bilang JaDine. Kailangan din ng pagbabago riyan.

Maine kinakayang mag-isa!

Bumati lamang noong Pasko sa kanyang mga fans si Maine Mendoza sa pamamagitan ng social media pero libu-libo na ang naging shares noon sa social media, at inabot ng milyon ang likes na nakuha. Ibig sabihin, matindi pa rin ang popularidad ni Maine. Maliwanag din na hindi nakasalalay sa love team nila ni Alden Richards ang kanyang popularidad. Natural, sa kanyang pagbabalik ay ibabalik pa rin nila ang AlDub dahil iyon ay isang tested formula na, pero maliwanag na makakatayo on her own si Maine.

Hindi masasabing ang popularidad ni Maine ay nakabase lamang sa AlDub.

Aktor tuloy ang pagmimilagro!

Sana magbago na rin ang isang male star sa kanyang “pagsa-sideline.” Lumagay na sana siya sa legal at malinis. Sayang kung masisira ang kanyang career oras na lumabas sa publiko ang mga “ginagawa niyang magic”. Hindi lang iyan makakasira sa kanya, makakasira rin iyan sa image ng lahat ng mga artista. Baka dahil sa ginagawa niya ay may mga mag-iisip nang ang lahat ng mga artista ay “suma-sideline” ding kagaya niya.

HUWAG MAKAKALIMOT MAGPASALAMAT…

Lastly, hayaan ninyong sa araw na ito ay batiin namin kayo ng isang Masaganang Bagong Taon. Baguhin na rin natin ang buhay natin. Mas magsikap tayo sa ikabubuti ng ating mga sarili at ng ating mga pamilya, at higit sa lahat, huwag kalilimutang tumawag sa Diyos na siyang pinagmumulan ng lahat ng mga biyayang ating natatanggap sa buhay na ito. Happy New Year.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with