^

Pang Movies

PINOY horror na ilawod At manananggal, lalaban Sa Fantasporto 2018!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pasok ang unang horror movie ni Dan Villegas na Ilawod sa Competitive Section ng Fantasporto 2018 sa Portugal sa darating na February 23-March 3, 2018.

Ibinalita ang pagkakasali ng horror film ni Atty. Joji Alonso, isa sa producers ng film, sa kanyang Facebook. Ang international title nito ay The Spirit of Water at bida rito sina Iza Calzado at Ian Vene­racion.

Makakalaban ng Ilawod ang 15 pang pelikula.

Ang isa pang local horror film na mapapasali sa nasabing international film festival ay ang Mana­nanggal sa Unit 23-B sa Official Selection. Bida sa movie sina Ryza Cenon at Martin del Rosario.

Samantala, ilan sa production ng The Idea First company ng tandem nina Jun Lana at Perci Intalan this coming 2018 ay Ang Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban; Mrs. & Mrs. Cruz nina JC Santos at Ryza; My Fairy Tail Love Story nina Janella Salvador at Elmo Magalona; Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi ni Sue Ramirez, Ang Pambansang Third Wheel, Sa Pagitan ng Dito at Doon, Sleepless, The Orbiters, Feels Like Forever at ang digital series na Born Beautiful.

Anne sumabak sa matinding action!

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival, ang dalawang mala­king pelikula na kaabang-abang ngayong 2018 ay ang Buy Bust at ang Goyong: Ang Batang Heneral.

Bida sa Buy Bust sina Anne Curtis at Brandon Vera mula sa direksyon ni Erik Matti. Maraming humanga sa unang labas ng trailer ng action-packed film! Ibang-ibang Anne ang lalantad sa pelikulang ito na todo ang aksyong hatid, huh!

Mula sa producers ng Heneral Luna at director na si Jerrold Tarog. Bida naman sa Goyong si Paulo Avelino at magandang follow up ito sa maiksi pero markado niyang role sa Ang Larawan.

Sa Regal naman, ang unang offering nito ay ang Mama’s Girl na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Diego Loyzaga at Sylvia Sanchez.

Cong. Vilma at Sen. Ralph  enjoy sa lamyerda!

Enjoying the holidays ang drama ni Congresswoman Vilma Santos-Recto kasama ang kanyang pamilya at kamag-anak base sa text niya sa amin.

Hanggang January 11 niya susulitin ang bakasyon na masasabay sa birthday ng hubby niyang si Sen. Ralph Recto.

“Kasi after these, back to reality and work!!! Trabaho na uli lahat!!!!

“More Happy/Positive New Year to all! Let’s continue to inspire each other!!!” mensahe ni Cong/Ate Vi sa lahat.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with