^

Pang Movies

Vic first time nagkaroon ng may katuturang pelikula?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tuwing may festival, isa sa inaasahang magi­ging top grosser ay ang pelikula ni Vic Sotto. Kung hindi man siya ang lumabas na top grosser, siguradong siya naman ang number 2.

Ngayon lang namin narinig na hindi si Vic ang top grosser, at hindi rin siya ang number 2. Bagama’t masasabi nga natin na hindi pa naman tapos ang festival dahil hanggang January 2 pa iyan, at ang mga pelikula nila ay tiyak namang mananatili pa sa mga sinehan kahit tapos na ang festival. Pinipilahan pa rin sila hanggang ngayon. Pero sa trend na umiiral, mukhang hindi na mababago ang ranking ng mga pelikula.

Kung hindi man siya ang top grosser this time, napansin naman naming maraming mga kritiko ang nagsasabing ang kanyang pelikula ay siyang pinakamagandang nagawa niya in years. Hindi pa namin napapanood ang Meant to Beh dahil sa pila, lahat nang kakilala naming nakapanood na noon ay nagsa­bing matino ang pagkakagawa ng kanyang pelikula this time. Sinasabi pa nga nilang naging maganda lalo na ang dramatic moments dahil kay Dawn Zulueta.

Naalala nga namin ang isang co­mic strip na nabasa naming minsan. Nasabi ni Charlie Brown, “magiging maganda lang ang mundo kung lahat ng tao may pag-ibig”. Nagulat si Charlie Brown nang sabihin ng kapatid niyang si Sally, “I hate you”. Sabi ni Charlie “ano iyon, ikaw na ka­patid ko sasabihin mong galit ka sa akin”. Sumagot si Sally, “oo galit ako sa iyo, kasi nagsisimula ka nang magsabi nang tama”.

Naalala namin iyan dahil hindi lang naman kay Vic Sotto nangyari eh. Maski na si Mang Dolphy noong araw, ilang beses nagtangkang gumawa ng mas mahusay na pelikula. Ginawa niya ang naging klasikong Tatay kong Nanay na idinirehe ni Lino Brocka.

Ginawa niya ang Omeng Satanasia kung saan siya nanalo ng isang acting award. Ginawa niya ang Markova na napaka-dramatiko rin at matino ang pagkakagawa. Pero ang magagandang pelikulang iyan ni Mang Dolphy ay kabilang sa mga pelikula niyang hindi masyadong kumita.

Huwag ninyong sisihin ang Filipino audience. Huwag ninyong sabihing mababaw ang kanilang kaisipan. Bilang Pilipino, hindi kami papayag sa ganyan. Tingnan ninyo sa US, noong gawin ni Charlie Chaplin ang isang seryosong komentaryo sa lipunan, ang City Lights, at nagtangka siyang gumawa ng mas matino pang pelikula, ang Great Dictator, bumaba ang kita ng kanyang mga pelikula.

Akala ba ninyo, walang ambisyon gumawa ng matinong pelikula ang mga komedyante? Akala ba ninyo hindi sila nasasaktan sa sinasabi ng iba na walang kuwenta ang pelikula nila? Pero iyong mga pelikulang ginagawa nila ang dahilan kung bakit sila naging big stars. Iyong mga pelikulang karaniwang ginagawa nila ang gusto ng publiko na nagbabayad sa takilya para masiyahan sila. Aminin na natin, ang pelikula ay para sa entertainment. Maaaring unti-unting maiangat ang kaisipan ng masa pero hindi ninyo maaaring biglain.

Magtangka kayong biglain iyan, malulugi lang kayo at ewan kung makakatagal kayo sa paggawa ng mga ganyang pelikula. Hindi namin sinasabing huwag nang gumawa ng pelikulang nagpapakita ng artistic expression, pero huwag ninyong lalaitin ang gumagawa ng mga pelikulang gusto ng masa at ang mga manonood nito na patuloy ninyong minamaliit at sinasabing walang kamuwangan sa kultura.

Baka kayo ang hindi nabibilang sa kulturang pilit ninyong ginagalawan kahit na hindi naman nababagay sa inyo. Iyon lang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with