^

Pang Movies

Janine pinagdusa ang ama makapasyal lang!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinahirapang maglakad ni Janine Gutierrez ang amang si Ramon Christopher habang nasa Hong Kong Disneyland sila.

Dream ng Kapuso actress makarating sa nasabing theme park pero nadagdagan ang kasiyahan niya dahil kasama niya ang pamilya ng out of the country sa unang pagkakataon.

Ibinahagi ni Janine na sa pasyal nilang ‘yon, pinagod nila ang ama. “The dream Disneyland. The real dream: it’s our first time out of the country all together!!! Additional dream; that Papa still loves us after making him walk so much,” caption ni Janine sa selfie ng pamilya.

Samantala, napaiyak si Janine ng dati niyang yaya nang sorpresahin siya sa programa niyang Day Off. Yaya Pat ang tawag niya sa dating yaya at nakadagdag ng saya niya nang dalhan siya nito ng paborito niyang tuyo, huh!

Bata pa lang ang Kapuso actress ay inalaagaan na siya ng kanyang Yaya Pat, hanggang sa pag-aartista niya. Nagkahiwalay lang sila nang bumukod na ang yaya.

“Nagpapasalamat ako dahil ako ang naging yaya nila. Wala akong pagsisisi na sila ang inalagaan ko,” saad ni Yaya Pat.

Ngayong 2018 naman, mapapanood si Janine sa coming series ng Kapuso Network, ang Sherlock Jr.

Larawan ‘di pa nakaka-break even ang kita!

Sinaluduhan ni Lea Salonga ang galing ni Paulo Avelino sa pelikulang Ang Larawan. Isa si Lea sa mga supporter ng pelikula na maya’t maya ay ineengganyo ang followers niya sa social media na tangkilikin ang movie.

“If you’re a fan of #Paulo Avelino, I urge you to watch #AngLarawan. He doesn’t sing as well as the others, but his acting! He will be one of the greatest as he continues to grow!!! Congratulations,” tweet ni Lea.

Anyway, matapos manalo ng awards kabilang na ang Best Picture, naibalik at nadag­dagan na ang sinehang pinagtatanghalan nito. Hindi pa man umaabot sa break even ang kinita nito sa nagdaang mga araw, unti-unti namang napupuno ang bawat screening ng movie sa mga sinehan, huh!

PM matatag kahit may social media

Last day ng 2017. Nanatiling makulay ang mundo ng showbiz. Of course, tuloy pa rin ang network war.

Pero pagdating sa mga artista, may kasalan, buntisan, awayan and yes, kamatayan.

Wala pa rin namang nabago except ‘yung pagpasok ng mga networks sa digital platform. Nanatiling daan pa rin ng mga artista ang pagbabalita sa kaganapan sa buhay nila via socmed.

Nakakapapel na rin ang socmed trolls, bashers at haters upang paratingin ang opi­nion nila sa isang issue o balita sa mga artista.

Magpatuloy man ang pamamayagpag ng social media at pasukin na ng lahat ang digital platform, tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid sa inyo ng makabuluhan at makulay na balita tungkol sa paborito ninyong artista dito sa PM (Pang-Masa)!

Manigong Bagong Taon sa lahat!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with