^

Pang Movies

Inabot ng taga-MMFF? Iniintrigang P20 na ibinandera hindi raw galing kay Derek!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lumikha ng kontrobersiya ang hawak na P20.00 ni Derek Ramsay nu’ng umakyat siya sa stage nang tawaging winner bilang Male Star of the Night sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mga newbie kasi ng presenters ng special prize na nagkamali sa pagbasa ng halagang tatanggapin ng winners. Sa halip na P20,000.00 na premyo ang sabihin, P20.00 ang na-announce ng presenters.

Pag-akyat sa stage, may dalang P20.00 si Derek at nagbiro. Obserbasyon ng nakapanood, offensive raw ang ginawa niya sa presenters na nagmukhang kahiya-hiya sa pagbibiro ni Derek.

Binatikos ang aktor sa biro niyang ‘yon. Wala siyang kamalay-malay na binibira na pala siya habang nagbabakasyon sa Palawan kasama ang anak na si Austin at girlfriend na si Joanne Villablanca.

Nagkausap si Derek at si Atty. Joji Alonso, producer ng festival movie niyang All of You tungkol dito via Viber.

“When his name was called, he didn’t even know what he won. Puro kami biruan sa side namin. Nagulat na lang daw cya tinawag name nya. He was not aware what the joke was all about (people are laughing at 20 buckle).

“When he reached the foot of the stairs, Arnel Ignacio and Mr. Ferrer (Noel maybe?) who were seated together, gave him the 20peso bill and told him to say thank u and poke fun at the 20peso prize.

“He simply obliged. But not with the least intention to offend anyone kc hindi nga cya aware about the buckle. Kaya when he returned to his seat, he asked us pa what did I just win? Then we teased him that he treats us all of us with his cash prize.

“Here’s a trivia about Derek. He does not carry cash with him kaya impossible that the 20 pesos came from him. Hope this clarifies things,” text sa amin ni Atty. Joji.

Nililinaw pa hanggang ngayon kung kanino galing ang mahiwagang P20.00, huh!

Disenteng tao si Derek kaya imposible niyang gawin ang magpahiya ng tao, huh! Anyway, as of this writing, pumapalo pa rin sa takilya ang AOY na tumaas ng 15 percent ang kita after nga awards night.

Direktor ng Deadma Walking iniyakan ang nangyari sa kanilang pelikula

Abot-tenga na ang ngiti ni Rex Tiri ng T-Rex Entertatainment dahil sa tagumpay sa takilya at magandang feedbacks sa festival entry niyang Deadma Walking. Higit pang na-inspire si Rex Tiri sa paggawa ng pelikula.

Anim na pelikula ang nakatakdang gawin ng kanyang production at kung dati ay sole proprietorship lang ito, this time, ginawa na niya itong korporasyon at nagdagdag ng empleyadong magta­trabaho sa ilang aspeto ng produsyon at promotions.

Ang pelikula nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman ang isa sa pinakamaingay na entry sa iba’t ibang platforms lalo na sa social media. Waging-wagi naman sila sa takilya dahil pumapalo ito sa ika-apat hanggang ika-limang puwesto ng Top Grossers.

Hindi nga maitago ng director na si Julius Alfonso ang kaligayahan nang muli silang humarap sa press kahapon. Umiiyak siya habang nagpapasalamat sa kanyang cast, staff, producer, at taong tumangkilik sa first directorial job niya.

Kumbaga, nagbunga ang paghihintay niya ng mahigit dalawang dekada bago sumubok sa pagdididirek. ‘Yung unang sabak niya ay well received ng mga tao at kritiko.

Wala namang issue kay Edgar Allan kung sa Best Supporting Actor nominees nailagay at nanalo siya. Sapat na ‘yung nanalo siya ng acting award sa isang festival na isa rin sa pinakamimithi niya bilang aktor.

Tumanggap ng pitong nominations ang DW at bukod sa panalo ni Edgar, win din sila ng most coveted na Best Float, huh!

Congratulations!!!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with