^

Pang Movies

Tiboling aktres naimbyerna nang tawaging ma’am

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naimbyerna ang isang aktres sa showbiz event na dinaluhan niya dahil tinawag siya na “Ma’am” ng isang fan.

Sumimangot ang aktres dahil hindi nito type na tinatawag siya na “Ma’am” bilang ipinagsisigawan nga niya sa mundo ang kanyang katomboyan.

Hindi naman natin masisisi ang faney na buong-ningning na tumawag ng “Ma’am” sa aktres dahil babae pa rin ito sa paningin niya.

Dapat na maging malawak ang pang-unawa ng tomboyitang aktres dahil may mga tao na babae at lalaki lang ang alam na kasarian. Dedma sila sa mga term na transgender woman at transgender man.

Siargao biglang nag-hit sa mahihilig sa beach

Hindi ako beach person dahil hindi ako mahilig sa tubig pero naiintriga ako sa Siargao na paboritong puntahan ngayon ng mga celebrity.

Nagbabakasyon sa Siargao sina Anne Curtis, Dindi Gallardo, ang pamilya nina Marian Rivera at Ding­dong Dantes at marami pang iba. kakilala ko na mula sa Guyam Island, Siargao. Natatandaan ko ang sinabi ni Papa Martin na kapag nag-retire siya, pipiliin niya na manirahan nang permanente sa Guyam Island.

Nakita ko ang pictures ng Guyam Island kaya na-prove ko na totoo na isang paradise ang lugar na ipinagmamalaki ni Papa Martin. May katwiran pala siya na magsabi na gusto niya na mag-retire sa lugar na kanyang sinilangan.

Ryza hoping na masusundan ang Mr. & Mrs. Cruz

Sa January 24 na pala ang showing sa mga sinehan ng Mr. and Mrs. Cruz, ang pelikula na buwena mano ng Viva Films sa 2018.

Starring sa Mr. and Mrs. Cruz sina JC Santos at Ryza Cenon.

Second movie ni Ryza ang Mr. and Mrs. Cruz kaya excited siya. Nakadagdag sa excitement ni Ryza na unang pelikula niya sa bakuran ng Viva Films ang project nila ni JC.

Hoping si Ryza na masusundan pa ang mga pelikula niya sa Viva Films bilang talent na siya ng Viva Artists Agency.

Extended hanggang February 2018 ang Ika-6 Na Utos pero ready na si Ryza sa promo ng Mr. and Mrs. Cruz dahil gusto niya na maging blockbuster ang kanyang unang project sa Viva Films.  

Derek chill chill pagkapanalo ng Best Actor

Pagkatapos ng Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Miyerkules, lumipad agad si Derek Ramsay sa beach house nila sa San Vicente, Palawan para magpahinga.

Kasama ni Derek sa Palawan ang kanyang anak at ang girlfriend niya.

Maganda at maligaya ang Pasko at Bagong Taon ni Derek dahil going strong ang relasyon ni Joanne Villablanca at kasama niya ang kanyang anak na si Austin.

Si Derek ang Best Actor ng Metro Manila Film Festival 2017 dahil sa kanyang bonggang acting sa All of You na showing pa sa mga sinehan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with