^

Pang Movies

Coco ka-level na ng National Artist!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang prediksiyon ng mga observer ng Metro Manila Film Festival (MMFF), hindi magbabago ang box office trend ng mga pelikulang kasali sa kabila ng ibinigay na awards.

Naging Best Actress si Joanna Ampil, na leading lady ng best picture na pelikulang Ang Larawan, pero ang pelikula ay siya namang bottom holder sa takilya, at naalisan na ng napakaraming sinehan. Best actor naman si Derek Ramsay para sa pelikulang All Of You, na hindi rin kasama sa top three.

Best Director si Paul Soriano para sa pelikulang Siargao, na number seven sa ranking ng walong pelikula. Best Supporting Actor naman si Edgar Allan Guzman ng Deadma Walking na halos wala na ring sinehan. Best Supporting Actress si Jasmine Curtis Smith ng Siargao.

Tuwang-tuwa naman ngayon ang MMFF Executive Committee dahil sinasabi nilang nagtagumpay silang maibalik ang mga manonood sa sinehan. Nilampasan nila ang kinita noong 2015, at nakapag­rehistro ng record na may pinakamalaking theater attendance sa unang dalawang araw ng festival. Ibig sabihin, inilampaso nila ang box office record ng festival noong 2016 na siyang itinuturing na pinakamalaking box office disaster sa buong history ng MMFF.

Lahat ng pelikulang kasali sa taong ito ay nakatanggap ng award, maliban sa Haunted Forest, pero kabilang sila sa may pinakamalalaking kita ang horror movie. Wala ring nakuhang kahit na anong award na nagpapatunay ng kahusayan ang pelikula ni Vice Ganda na Gandarrapiddo: The Revenger Squad, pero tinawag iyong “Peoples’ Choice” dahil kumikita nga.

Sa top grossing films, ang Ang Panday ang nakakuha pa ng award dahil sa mahusay na visuals, dahil iyon ang gusto ng mga bata, ibinigay din sa pelikula ang FPJ Memorial Award, at binig­yan din si Coco Martin ng Special Jury Award. Natawag ng sinasabi nilang Special Jury Award ang aming pansin dahil kasama ni Coco na tumanggap ng award ang National Artist na si Nick Joaquin. Hindi maliwanag sa amin ang criteria ng Special Jury Award na iyan, pero napakalaking karangalan para kay Coco Martin na naihanay siya kay Nick Joaquin. Kung iisipin na si Nick Joaquin na gumawa ng kuwento ng Ang Larawan ay National Artist For Literature, at si Coco ay ngayon pa lang unang gumawa ng kuwentong pang-pelikula, aba eh napakalaking bagay noon.

Doon din sa sinasabing top four, ang Panday ang humakot ng maraming mahahalagang award. Apat ang kanilang nakuha.

Nanalo naman si Baeby Baste ng Best Child Actor para sa pelikulang Meant To Beh

Pero sa palagay namin kung magkakaroon man ng pagbabago sa kita ng mga pelikula, ang mangyayari ay ang Panday, Gandarrapiddo, Haunted Forest at Meant To Beh pa rin ang maglalaban-laban. Ang hula ng ibang nasa mga sinehan, eventually aangat pa ang pelikula ni Coco dahil lumalabas pagkatapos ng awards na ang pelikula niya ang may katuturan sa kanilang apat.

Pero kagaya nga ng sinasabi namin, hindi mo maaaring diktahan ang kaisipan ng masa. Panonoorin nila kung ano ang gusto nila. Sabi nga ng nasirang director na si Emmanuel Borlaza, huwag kang mag-alok ng gupit o kulot ng buhok sa loob ng isang panciteria. Ano man ang sabihin ninyo, ang pelikula ay ginagawa para panoorin kaya kailangan may manood.

Aktres mapait ang kapalaran sa nasamahang pelikula

Natawa nga kami sa comment ng isang baguhang artista na “nag-ampalaya con aktres” kuno, na nagsabing dapat daw ang festival magaganda lamang ang ilalabas. Tama, pero sino ka para diktahan ang mga tao kung ano ang maganda? Sino ang sisisihin mo kung lahat ng nasamahan mong TV show ay mababa ang ratings, at ngayon ang nasamahan mong pelikula ay flop? Hindi po maganda sa menu iyang “ampalaya con aktres”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with