^

Pang Movies

Royal wedding nina Prince Harry at Meghan, wala nang atrasan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Royal wedding nina Prince Harry at Meghan, wala nang atrasan

Prince Harry at Meghan Markle

Naka-set na sa May 19, 2018 ang royal wedding ni Prince Harry sa American actress na si Meghan Markle.

Sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ikakasal ang dalawa. In-announce ng dalawa ang kanilang engagement noong nakaraang November.

Nabanggit pa ni Prince Harry sa media na si Meghan na ang babaeng matagal na niyang hinihintay. Sa unang pagkakataong magkakilala sila, alam niyang ito na ang babaeng magiging prinsesa niya.

The couple attended their first royal event together in the city of Nottingham kung saan dinagsa sila ng kanilang well-wishers kamakailan.

Makakasama din ng royal couple si Queen Elizabeth sa araw ng Pasko kung saan ang lahat ng members ng royal family ay magsasama-sama sa Sandringham Royal Estate.

Titira sina Prince Harry at Meghan sa Nottingham Cottage na nasa grounds ng London’s Kensington Palace, the official residence of the Duke and Duchess of Cambridge.

Unang nagkakilala sina Prince Harry at Meghan noong 2016 on a blind date na inayos ng kanilang mutual friends.

Ang naging next date daw nila ay sa camping trip sa Botswana.

“Then we were really by ourselves, which was crucial to me,” sey ni Harry.

Sey naman ni Meghan: “We were able to really have so much time just to connect and we never went longer than two weeks without seeing each other, even though we were obviously doing a long-distance relationship. We made it work.”

Nag-propose si Prince Harry kay Meghan sa Nottingham Cottage.

Claudine dedma pa rin sa yayang nagrereklamo!

Walang ibinigay na reaksyon ang secretary ni Claudine Barretto na si Sol Acap ukol sa reklamo ng kinuha nilang kasambahay na si Christine Joy Abria.

Nagreklamo si Joy sa newscast show ni Raffy Tulfo na Aksyon ng hindi pagbabayad ng sapat sa kanya ni Claudine.

Pinadala raw ng agency si Joy kay Claudine bilang yaya lang ng kanyang isang anak. Pero bukod sa pagyayaya ay dinala pa raw si Joy sa ospital at ginawa rin daw siyang parang nurse aide ng aktres.

Nakasigaw at nanlilisik pa raw ang mga mata ni Claudine kapag inuutusan siya nito.

Nagbigay naman ng statement ang agency ni Joy tungkol sa pangyayaring ito.

Ayon kay Josefa Titular, di raw nila alam na ginawang parang nurse aide si Joy sa ospital. Yaya lang daw ang dapat na work ni Joy sa pamamahay ni Claudine.

Willing i-shoulder ng agency ang kulang ni Claudine sa suweldo ni Joy. Pero ang hinihingi nitong dagdag bayad sa pag-alaga sa aktres sa ospital ay iba nang usapan.

Tumangging magsalita ang sektetarya ni Claudine na si Sol Acap dahil kasalukuyang nasa ospital pa ang aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with