^

Pang Movies

Vic Sotto hindi naniniwalang kikita ng P1 billion si Vice sa MMFF!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vic Sotto hindi naniniwalang kikita ng P1 billion si Vice sa MMFF!

Vic Sotto

MANILA, Philippines — May reaksyon si Vic Sotto sa sinabi ni Vice Ganda na kine-claim na nitong 1 billion ang magiging box-office gross ng Metro Manila Film Festival movie nitong Gandarrapiddo: The Revenger Squad.

Sa pocket presscon kahapon ng Meant To Beh na isa ring official entry sa MMFF 2017, natanong kasi si Bossing Vic kung posible bang mag-gross ng 1B ang isang MMFF entry.

“Mathematically, it’s impossible,” ang diretsong sagot ni Vic.

“As a whole, pwede. Baka ‘yun ang sinasabi ni Vice. For the entire (MMFF), hindi ‘yung pelikula lang niya,” dagdag pa ng bida at producer ng Meant to Beh.

Nabanggit din kasi ni Vice Ganda na taun-taon ay tumataas ang gross ng kanyang pelikula and to this, sey ni Bossing, “eh sana nga, maabot niya. Para mas maganda for a lot of people.”

Pero honestly, ayon kay Vic, hindi na raw siya nagpapa-pressure pa kung sino ang magna-number one sa takilya.

“Number one, hindi ko na iniisip ‘yun, eh. Sa tagal ko na sa festival, ang iniisip ko lang eh maraming manood ng festival. Not for anything else, not to take away credit from the past festival, I believe it did well,  I just want a lot of  people to be happy, to be merry this Christmas. Kahit anon’g type mong panoorin.

“Magaganda ‘yung line-up. We have mga fantasy mo­­­­­­­­-vies, we have mga drama, may musical, may Larawan, ­may Siargao, marami kang pagpipilian. Mas maganda nga, panoorin mo lahat. Anyway, it will run for 10 days or 14 days, two weeks.

“So you have all the time to watch Filipino movies. And for me personally, basta ang gusto ko maraming manood ng mga pelikula,” pahayag ni Bossing.

Sa Meant To Beh ay laging inuulit ni Vic na talagang kakaiba ito kaysa sa mga dati niyang filmfest entry. First time niya to do a serious comedy.

“For this film, I really wanted change. I wanted to gear away from the usual fantasy, siguro dahil. . .hindi naman sa nagsawa ako, parang I just wanted something new for the people, for the Filipino moviegoers. I just wanted change. Yun naman ang atake nila last year, eh. They wanted change,” he said.

Mula sa direksyon ni Chris Martinez, kasama rin sa movie si Dawn Zulueta bilang leading lady ni Vic, JC Santos, Daniel Matsunaga, Gabbi Garcia, Ruru Madrid and Baby Baste. Showing on Christmas day, Dec. 25 mula sa OctoArts Films, APT Entertainment and M-Zet Productions.

Deadma Walking nagmukhang mamahalin dahil sa 30 extra na artista

Tatlumpung malalaking artista ang nag-cameo sa Deadma Walking kabilang na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo at marami pang iba.

Kwento nga ng isa sa bidang si Joross Gamboa, akala nga raw ng ibang artista ay siya ang producer o director dahil ang ilan sa mga ito ay sila ng co-actor niyang si Edgar Allan Guzman ang personal na kumausap para mag-guest sa movie.

Brinaso raw talaga nila ang mga artistang ito at nakakatuwa raw na sinuportahan ng mga ito ang movie nila ni EA tulad din ng pagsuporta nila noon sa mga movies ng mga ito.

Ang parte kung saan maraming artistang nag-cameo ay eulogy scene at nakakatawa ang kwento ni Joross na sabay-sabay daw dumating ang mga ito kaya nahirapan sila.

Kwento ng isa pang cast na si Dimples Romana, kung sina Joross, EA and direk Julius Alfonso ang nag-invite, siya naman daw ang nag-entertain sa mga ito nang magsidatingan sa set.

“Super-entertain kami, lahat ng mga baon namin, nilabas yata namin para hindi sila (mainip). Muntik na nga akong mag-prayer meeting,” natatawang kwento ni Dimples.

Dahil nga sabay-sabay nagsidatingan ay iniikot daw nila ang mga kwarto ng mga artista para i-entertain ang mga ito.

“’Yung araw na ‘yun, nung nagdatingan na ang mga artista, medyo natataranta (kami). Kung sino ‘yung unang dumating, siya ‘yung unang kukunan. Eh kung baga, iba-iba silang kwarto, so kailangan mong i-entertain,” kwento ni Joross.

Pero sobrang thankful nila sa mga big stars na ito dahil sey nga ni Joross, nagmukhang mamahalin daw ang kanilang pelikula.

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Deadma Walking na official entry to MMFF 2017. Kasama rin sa movie sina Candy Pangilinan, Bobby Andrews, Ricci Chan, Patricia Ismael, Nico Antonio, at Jojit Lorenzo, produced by T-Rex Entetainment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with