^

Pang Movies

Ipinatayong bahay ni Paolo panlaban sa kasosyalan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ipinasilip na ni Paolo Ballesteros ang facade ng kanyang ipinatayong bahay sa Antipolo sa kanyang Instagram account kahapon. Sosyal na sosyal ang dating ng bahay na mula sa dugo at pawis ng kanyang showbiz career.

Sa totoo lang, ang bilis nayari ng dream house ni Paolo. Malaking tulong siyempre ‘yung pagiging mabenta niya sa pelikula. Imagine, dalawang movies niya ang ipinalabas this year, ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies at Barbi, D’ Wonder Beki.

Kung wala na sa sinehan ang Wonder Beki, take note na nasa fourth week na ang Ubusan, huh! May chance na abutin pa ito hanggang December 24, ang last day showing ng pelikulang palabas dahil papalitan na ito ng filmfest entries.

Sa taong ito nagkaroon din ng morning show si Paolo, ang The Lolas’ Beautiful Show na magtatapos na rin sa susunod na buwan.

At least, naging masinop sa datung si Paolo kahit late bloomer na siya sa pagiging lead actor, huh!

Klea waging Miss Photogenic sa sinalihang Supermodel contest

Tumanggap ng Miss Photogenic Award ang Kapuso artist na si Klea Pineda sa sinalihang Asian Supermodel Contest bilang official representative ng bansa na ginaganap ngayon sa Saipan.

Ginaganap taun-taon ang Asian Supermodel Contest na sponsored ng China Fashion Designers Association at ng isa rin sa biggest modelling management company sa Asya, ang China Bentley Culture Development Co. Ltd.

Siyempre, nakipagsabayan si Klea sa mga kalabang kandidata pagdating sa pag-awra sa rampahan at pagsusuot ng bikini,  huh! Si Klea ang grand winner sa nakaraang StarStruck Season 6.

Sexbomb member  na si Sunshine,  engaged na  sa actor-politician

Engaged na rin ang dating member ng Sexbomb Girls member na si Sunshine Garcia sa actor-politician na si Alex Castro. Ipinost ang engagement ni Alex sa kanyang Instagram.

Ipinagmalaki lang ni Alex ang singsing sa kamay ni Sunshine pero sa hashtag nito ay nakalagay ang #SlexRoadToForever.

Saksi ang pamilya at kaibigan ng soon-to-be couple sa naganap na engagement na pinasalamatan ng Board Member ng Marilao, Bulacan.

Sa bagong batch ng Sex Bomb naging bahagi si Sunshine. Ang mga naunang batch gaya nina Roselle Pangilinan at Jopay Paguia ay may asawa na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with