^

Pang Movies

Barbie at Derrick nagtitiis sa lamig!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit malamig ay ine-enjoy nila Barbie Forteza at Derrick Monasterio ang pagsu-shoot nila sa Italy ng pelikulang Almost A Love Story.

Sa Instagram Stories ni Derrick ay pinost niya ang ilang eksena ng kanilang mo­vie ni Barbie, pati na ang nilalamig na crew na nagsasalo sa init na dala ng isang fireplace.

Sa Florence at Pisa ang location kung saan kinukunan ni Direk Louie Ignacio ang mga eksena nina Barbie at Derrick. Before Christmas ay babalik na sila sa Pilipinas.

Ito ang third time na mag-pair sa big screen sina Barbie at Derrick. Una silang nagtambal sa isang horror movie na The Road noong 2011 at sa Full Moon noong 2014.

Iikot ang istorya sa isang lalaki at babae na magkakilala pa mula pagkabata, at mai-in love sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakalayo.

Sa istorya, OFW sa Italy ang nanay ni Barbie, na magpapalaki kay Derrick, na anak ng kaniyang pinagsisilbihan.

Makakasama nina Barbie at Derrick sina Lotlot De Leon at Ana Capri.

Ang Almost a Love Story ay magiging kauna-unahang mainstream movie ng BG Productions International.

Janine gustong gastusan ang regalo sa kanyang Mamita

Bukod sa kanyang parents at mga kapatid, ang kanyang Mamita na si Pilita Corrales ang gustong regaluhan ng bongga ng Kapuso star na si Janine Gutierrez.

Close si Janine kay Mamita at kapag may chance, binibisita niya ito sa bahay nito sa Parañaque City.

“Siya talaga ‘yung galante magregalo sa amin.

“Kahit walang occasion palagi siyang may pasalubong.

“Sa tingin ko ngayong medyo may edad na kaming mga apo niya, kami naman ‘yung dapat magbalik ng ligaya sa kanya,” ngiti pa ni Janine.

Busy ngayon si Janine sa taping ng kanyang teleserye with Ruru Madrid na Sherlock Jr. at kasama rin siya sa Paskong Kapuso: The GMA Christmas Special ngayong December 17.

Khloe Kardashian umamin sa pagbubuntis, kapatid na si Kylie na buntis din hindi pa nagsasalita

Pagkatapos ng ilang linggong pagtatago, inamin na ng 33-year old reality star na si Khloe Kardashian na siya ay buntis.

Mapapanood ang big reveal sa New Year’s episode ng Keeping Up With The Kardashians.

May dahilan daw kung bakit hindi maamin in public ni Khloe ang kanyang pagiging buntis dahil masisira ang big surprise ng kanilang episode.

Kaya sa annual Christmas card ng Kardashian-Jenner clan, tagung-tago ang malaking tiyan ni Khloe.

Pero sa teaser ng show, pinakita na may in-announce si Khloe na ikinatuwa ng mga nasa paligid niya. Naiyak pa ang ina niyang si Kris Jenner.

Ang ama ng baby ni Khloe ay ang 26-year old basketball player na si Tristan Thompson.

Hinihintay na lang ang pag-amin din ng nakakabatang kapatid ni Khloe na si Kylie Jenner ang pagbubuntis nito sa anak nila ng rapper na si Travis Scott.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with