^

Pang Movies

Dingdong may panggulat na bakasyon uli kina Marian at Zia pagka-Pasko

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagsimula na ang Simbang Gabi kahapon para sa darating na Pasko, at ang mga artista, lalo na iyong may mga shooting at taping, aligaga na ring magbakasyon pagkatapos ng kanilang pagtatrabaho.

At hindi ito palalampasin ng mag-anak na Dingdong Dantes, ng asawang si Marian Rivara at unica hija nilang si Baby Letizia.  Sa isang interview kay Marian kung saan naman ang Christmas holiday destination nila ngayong 2017, lalo pa‘t two years old na si Zia at madaldal na ang bibong-bibong bata, sabi ni Yan Yan, after nilang mag-last taping day ng Super Ma’am this week, tulad pa rin ng nakagawian nila, ang December 24, nasa family sila ng asawa, sa December 25, sa kanila naman sila sa Cavite, kasama ang kanyang Lola Iska, Mama Amalia at family nito.

“Then sa December 26, sama-sama na ka­ming lahat for a Christmas holiday, family ni Dong at family ko.  Kung saan kami pupunta, si Dong lamang ang nakakaalam.  Ganoon pa rin siya, kapag may pupuntahan kami, sorpresa lagi sa amin kung saan kami pupunta.  Kahit noon, kapag aalis kami, sasabihin lamang niya sa akin kung ano ang dapat kong dalhin, bibiyahe man kami here or abroad.”

Isinasantabi na nga muna nina Marian ang pagbisita niya sa Papa Fran Gracia niya sa Spain. Tatapusin niya muna ang action-drama series niyang Super Ma’am saka sila bibiyahe to Spain, siguro raw ay sa February, 2018 na.

“Nagsu-shooting din kasi si Dong ng movie nila ni Anne Curtis sa Viva Films. At ako naman marami pa kaming gagawing magagandang eksena sa Super Ma’am, hindi po ito matatapos sa mga tiyanak lamang, marami pa, at nagpapasalamat kami sa patuloy ninyong pagsubaybay sa amin at napanatili namin ang ratings namin. Salamat po at Merry Christmas.”

Album ni Regine nakatatlong platinum

Congratulations to Asia’s Songbird Regine Velasquez. Kahapon, sa kanyang long running cooking show na Sarap Diva, ipinagkaloob sa kanya ang first of it’s kind na three certified platinum record award para sa kanyang albums mula sa Viva Records, ang R3.0. Binuo ito ng tatlong record albums produced by Viva, ang original home ni Regine. Isinabay ang release nito sa kanyang very successful na 30th anniversary concert noong October 21, 2017.  At wala pang two months, certified Platinum award na ito.

May isa na namang aabangan ang mga fans ni Regine, dahil kasama niya sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos may pre-Valentine concert sila na #paMORE sa February 10, 2018 sa Mall of Asia Arena. Available na ang tickets sa SM Ticketnet.

2018 shows ng Kapuso ipasisilip

Tiyak na mag-i-enjoy ang mga manonood ng Paskong Kapuso: The GMA Christmas Special mamayang gabi, dahil sila rin ang unang makakapanood ng mga pasabog na series na ilo-launch nila sa Omnibus Plug ang mga shows na The One That Got Away nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins; Sherlock Jr. nina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Janine Gutierrez at AiAi delas Alas; Hindi Ko Kayang Iwan Ka, The Stepdaughters, Contessa.

Ilan pa rin sa makakasama nila sina Glydel Mercado, Gary Estrada, Tonton Gutierrez, at Samantha Lopez.

Ang Paskong Kapuso: The GMA Christmas Special ay mapapanood pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with