^

Pang Movies

Dating aktres na may ka-live in, tanggap sa pamilya ng isa pang businessman na umano’y karelasyon niya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dating aktres na may ka-live in, tanggap sa pamilya ng isa pang businessman na umano�y karelasyon niya

JC at Ryza

Close na pala pati sa pamilya ng isang businessman ang dating actress na may live in partner na isa ring mayamang negos­yante.

May nagpakita sa akin ng photo ni aktres kasama ang nali-link sa kanyang business at ang mga kamag-anak nito.

Lahat sila ay mga naka-red at mukhang may okasyon ang pamilya ng businessman kaya magkakasama sila.

Paano na kaya ang ka-live ni actress na sobrang yaman din? Ang sabi ng source, alam ni live in partner ng actress ang pagiging malapit nito sa nasabing businessman din na sobrang yaman din.

Nakakabilib naman ng alindog ng dating aktres kung maligaya siya sa piling ng dalawang mayayamang personalidad. Ano nga kayang meron sa kanya?

O baka naman dito sa nali-link sa kanya ay tanggap siya ng pamilya samantalang ang current niya ay diumano’y ayaw na ayaw sa kanya.

Trophy sa MMFF, yari sa mga kahoy na luma

Yari sa mga antigong kahoy ang mga trophy na ipa­mimigay sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Gawa ito ng artist na si Clifford Espinosa.

Pinagdikit-dikit umano itong kahoy na yakal, apitong at iba’t iba pa at hand made as in hindi ginamitan ng pako.

Hindi pa raw tapos lahat kaya minamadali na nila dahil baka hindi umabot sa awards night sa December 27.

Maalalang nung isang taon ay binira-bira ang pinamigay na trophy ng MMFF dahil nga parang payong na nakasara at mabilis pang masira.

Mr. & Mrs. Cruz nina JC at Ryza naka-2.7 m agad sa trailer

Winner ang trailer ng pelikulang Mr. And Mrs. Cruz starring JC Santos and Ryza Cenon. Meron na agad silang 2.7 M views mula nang i-upload ito nang Viva Films sa YouTube.

Ang ganda kasi ng trailer, papanoorin mo talaga. Ma­ging ang music na ginamit nila ay sumakto rin sa trailer.

Same ang writer and director nito sa pumatok na pelikulang Kita-Kita na nagbigay ng box office status kina Empoy at Alessandra de Rossi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with