^

Pang Movies

Katrina dinapuan ng sakit

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Timely ang post ng Kapuso actress na si Katrina Halili tungkol sa pagpapahalaga sa kalusugan. Sakto ito sa role na gagampanan niya this Saturday (December 16) sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang My Christmas Lullaby: The Loida Bauto Story. Gaganap siya bilang si Loida, isang taong ang tanging pangarap ay magkaroon ng magandang buhay. Pero dadapuan siya ng sakit na tuluyang babago sa buhay niya.

Makakasama niya rito sina Rodjun Cruz, Glenda Garcia, Sharmaine Santiago at Arra San Agustin, sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata.

Angelu at Bobby papapel na mag-asawa

Hindi yata nalalaos ang tambalang ito huh. Siguradong mapapa #SentiSabado kayo sa kilig dahil may pamaskong hatid para sa lahat sina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Nagbabalik-tambalan kasi ang sikat na TGIS! loveteam ngayong Sabado dahil sila ang bibida sa episode ng Tadhana. Bibigyang buhay nila ang naging karanasan nina Lily at Emil, ang mag-asawang OFW sa Canada.

Ano kaya ang kuwento ng mag-asawang OFW na sina Lily at Emil? Tiyak kaming maraming tututok sa episode na ito na may pamagat na Pag-uwi. Kaya huwag palalampasin ang Tadhana, kasama si Ma­rian Rivera, ngayong Sabado, 3:15 PM pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with