^

Pang Movies

Bokalista ng Coldplay in love sa Fifty Shades actress na si Dakota Johnson

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Usap-usapan sa Hollywood ngayon na nagdi-date ang Hollywood actress na si Dakota Johnson at ang Coldplay frontman na si Chris Martin.

Ayon sa source ng Entertainment Tonight, two months na raw nagde-date ang  musician at ang bida ng Fifty Shades.

“They’ve been dating since early October and spend most nights hanging out at his house and laying low. His friends already love her and see how happy she makes him,” sey ng source.

Nakita nga raw ang dalawa sa concert ni Nick Cave na ginanap sa Israel noong nakaraang buwan.

Divorce na si Chris Martin sa aktres na si Gwyneth Paltrow kung kanino meron siyang dalawang anak. Na-link din ito romantically sa mga aktres na si Annabelle Wallis at Jennifer Lawrence.

Si Dakota naman ay na-link sa aktor na si Jordan Masterson at sa musician na si Matthew Hitt.

Bossing ‘di kalaban ang tingin kay Vice!

Hindi pa rin nilulubayan ng kumpitensya sina Vic Sotto at Vice Ganda.

Ngayong December 25 ay muling maghaharap ang dalawa sa takilya dahil sa mga official entries nila na Meant To Beh at Gandarrapido: The Revenger’s Squad.

Ilang taon nang naglalaban tuwing MMFF sina Vic at Vice, pero ang mga fans lang naman daw nila ang nagsasabi na may rivalry sila.

“I’d like to say na hindi kalaban ang tingin ko sa kanila.

“Magkakasabay lang kami mag-showing but I don’t look at them as mga kalaban ko, kasi iisa lang ang layunin naming lahat, ang pasayahin, aliwin ang mga manononood ngayong Kapaskuhan,” diin ni Bossing Vic.

Tulad ni Bossing, ang hangad din daw ng mga pelikula ni Vice ay ang mag­hatid ng saya sa maraming tao tuwing Pasko.

“Lahat kami, gusto naming maging masaya ang publiko this Christmas at mas maraming kumita, mas masaya.

“After all, we are all working in the same film industry at iisa lang ang film festival na ito, so we are all working in this together.

“I think the message we should all bear in mind is hindi mahalaga kung Kapuso ka o Kapamilya,” ngiti pa niya.

Mahalaga kay Bossing ay ang pagmamahalan ng bawat artista sa industriyang iniikutan nila.

“What’s important is ma­ging friends tayong lahat at magtulong-tulong tayo to entertain the moviegoing public,” pagtapos pa ni Bossing Vic.

Winwyn noon pa ginawang reyna ni Mark

Ang sweet ng birthday message ni 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen Winwyn Marquez sa kanyang pangga na si Mark Herras sa Instagram noong nakaraang December 14.

Nasabi ni Wyn na lagi siyang tinatrato na reyna ni Mark kahit na noong hindi pa siya nananalo ng isang beauty title.

Magkasama ang dalawa kamakailan sa Camiguin kung saan nag-taping sila para sa isang special episode ng Road Trip at sinabay na rin nila ang kanilang bakasyon na magkasama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with