^

Pang Movies

Concert tickets nina James at Nadine ubusan na agad kahit sa February pa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Na-miss ng fans

Aligaga ang fans nina James Reid at Nadine Lustre kahapon nang ilabas ang tickets para sa kanilang JaDine Revolution concert kahit na nga sa Feb. 08, 2018 pa ito magaganap.

Number one agad ang hashtag na #JaDineRevolutionStartsNow sa trending topics sa Twitter. Walang pakialam ang fans nila kung magwaldas sila ng pera para sa concert ng mga idolo dahil nagbabayad sila ng kanilang taxes.

Nasabik talaga nang todo ang fans nina James at Nadine kaya kandarapa sila para maka­iskor ng ticket, huh! Bukod sa concert, sumisigaw rin ang fans ng isang pelikula na si Direk Antoinette Jadaone ang magdidirek.

AiAi at bagong mister enjoy sa pagtatampisaw at pagpapadulas sa Japan

Idinagdag na ni AiAi delas Alas ang apelyidong Sibayan sa profile niya sa Instagran. Bago nagpakasal kay Gerald, gamit niya ang Martina Eileen delas Alas. Ngayon, nakasaad na ang Martina Eileen D.A. Sibayan sa IG niya.

Kasalukuyang nagtatampisaw at nagpapadulas sa snow sa Japan sina AiAi at Gerald bilang unang bahagi ng kanilang honeymoon.

Sa isang video na pinost, larawan sila ng kaligayahan habang naglalaro sa snow.

“KAWABA SKILAND (gunma prefec. Japan) TO GOD BE THE GLORY—Thank you LORD nakaka experience kami ng ganito and nakapunta kami sa ganitong lugar sobrang lamig at nakahiga na din ako sa snow...#isasabucketlist #feelssohappy #feelsoblessed #honeymoonersinjapan.”

Nagpalit man ng apelyido si AiAi sa IG, hindi siya gagaya sa ibang artistang babae na matapos ikasal ay sabit na sa screen name ang surname ng kanilang asawa, huh!

Mikee bida sa bagong proyekto, ibang Kapuso tiyak magre-react

Makakadama na naman ang insekyuridad ng ibang Kapuso artists ngayong bidang-bida na si Mikee Quintos sa bagong series mula sa GMA News & Public Affairs na Sirkus. Baguhang maituturing si Mikee sa GMA pero sunud-sunod agad ang kanyang projects, huh!

Nakalabas na si Mikee sa Encantadia, Alyas Robin Hood 2 but take note na markado lahat ang roles niya at hindi suporta, huh!

Ngayong Linggo, Disyembre 17 ay birthday niya. Isang concert ang nakatakdang gawin niya sa kanilang lugar sa E. Quintos, St. sa Sampaloc. Special guests niya ang ilang Kapuso artists at makakasama.

Balita namin, may isang malaking Kapuso artist na sosorpresa kay Mikee, huh! Anyway, si Mikee ay anak ni Konsehal Wardee Quintos ng 4th District ng Sampaloc at ang ina niyang si Jo Quintos ay nanilbihan ding konsehal sa distrito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with