^

Pang Movies

Ibinuko ni Robin BB hindi pa nagpapatanggal ng lawit!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kinumpirma ni Robin Padilla ang balitang nagtatrabaho na sa Uber Taxi bilang isang driver ang ka­patid na si BB Gandanghari sa US.

“‘Yung lang ang ano ko. Sabi ko, ‘kailangan tol, ha, lumabas ang pagka-action star mo diyan’. Eh yun lang ang mga ano ko sa kanya.

“Pero ako naman, natutuwa ako dahil ‘yung mga gusto niyang gawin, ginagawa niya, hindi kagaya nung kinikimkim niya lahat sa ano, ang hirap nu’n. Eh eto, di panay ang ano niya, eh, audition.

“Meron siyang in-audition, action, eh. Sabi ko, ‘tol, gagawa ka ng kasaysayan diyan pag nakuha ka’. Di ba? ‘Yun,” pahayag ni Binoe.

Nalinaw din kay Binoe kung totoo ba ang tsika na nagpa-sex change na ba si BB at ayon sa action star, ang alam daw niya ay pangalan lang ang pinalitan sa kapatid.

“’Yung kunaybans niya, nandu’n pa. Sayang naman, bakit naman niya tatanggalin ‘yung kunaybans niya? My goodness! Hindi, kasi sasabihin niya sa akin ‘yun, eh,” paglilinaw ni Robin.

Empoy lumebel kina Daniel at Papa P sa lakas ng tilian

Dumagundong ang buong Araneta nang magsigawan ang fans Kapamilya Stars sa presentation ng Just Love Christmas Special na mapapanood na sa ABS-CBN ngayong Sabado at Linggo (Dec. 16 &17) ng 9:30 p.m.

We were there at the taping held last Tuesday at saksi kami kung gaano kaningning at kaespesyal ang gabi sa pagsama-sama ng lahat ng mga biggest and brightest stars ng network.

Sa opening number pa lang ay nakakaloka na ang sigawan ng mga fans nang lumabas ang mga Kapamilya leading men at kumanta ng O.P.M. Christmas medley at Air Supply songs.

Nasaksihan namin kung gaano kalakas ang tilian ng mga fans para kay Richard Gutierrez as in grabe talaga. Dito namin nasabing talagang nakabalik na siya.

Ikinaaliw din namin ang tilian kay Empoy at lumalaban talaga kina Daniel Padilla, Piolo Pascual at iba pang sikat na Kapamilya actors.

Syempre, present din ang mga Kapamilya loveteams tulad ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto at KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang daming pasabog sa Just Love Christmas special presentation na dapat abangan ng mga manonood, sa totoo lang.

John Lloyd at Dingdong pumayag sa badingan

Inamin ng writer ng Deadma Walking na si Eric Cabahug, gayun din ng direktor na si Julius Alfonso na hindi sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa ang first choice nila para sa pelikula.

Ayon kay Eric, nang sinusulat niya ang script, ang peg niya ay si Aga Muhlach ang naiisip niya para sa role ni Joross at si Roderick Paulate naman para sa role ni EA (Edgar Allan).

Pero nung nagka-casting na sila, ang una raw nilang nilapitan ay si John Lloyd Cruz at nagustuhan naman daw ng aktor.

“He welcomed us sa bahay niya, and he liked it. But he eventually had to decline kasi sinu-shoot niya ‘yung movie niya with Sarah (Geronimo), kwento ni Eric.

Sumunod nilang inalok ay si Dingdong Dantes at tulad ni JLC ay nagustuhan din daw nito ang movie. “He super-liked the material that he was actually willing to co-produce the movie, but then again, scheduling (ang naging problema), kasi marami rin siyang gagawing movie, and ‘yung availability niya to shoot is October pa. And tina-target talaga namin ito for filmfest so, hindi na kami aabot kung hihintayin pa,” patuloy pa ni Eric.

Nag-audition pala sina Joross at EA for the role at ‘yun na nga, sila na ang naging final choice.

“They may not be the first choice, but they are the final choice, and they are the perfect choice. Hindi ko ma-imagine ang Deadma Walking na walang Joross and Edgar Allan,” sey ni direk Julius.

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Deadma Walking na showing na sa Dec. 25 as one of the official entries of Metro Manila Film Festival 2017. Also in the cast are Candy Pa­ngilinan, Dimples Romano together with Gerald Anderson, Vin Abrenica and Eugene Domingo in very special roles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with