^

Pang Movies

Mariel hindi pinabayaan ni Coco

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mariel hindi pinabayaan ni Coco

Mariel de Leon

Ikinuwento sa akin ng mga dumalo sa special screening ng Ang Panday na mahaba ang exposure ni Mariel de Leon bilang leading lady ni Coco Martin.

Masuwerte raw si Mariel dahil talagang inalaagaan siya ni Coco sa kanyang mga eksena. Si Coco ang direktor at produ ng Ang Panday.

Opera singer si Mariel at binigyan siya ni Coco ng chance na ipakita ang singing talent niya. May isang eksena raw sa Ang Panday na kumakanta ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon. Siyempre, ginamit ni Mariel ang sa­riling boses dahil may karapatan naman siya na kumanta. Minana niya ang singing talent ng kanyang mga Tita Pinky at Tita Lara. Kumakanta rin naman ang tatay niya.

Kylie pumirma ng kontrata sa Viva

Dalawang Bb. Pilipinas International winners ang mapapanood sa Ang Panday, si Mariel at ang kanyang predecessor na si Kylie Verzosa.

Gaya ni Mariel, tuluy-tuloy na rin ang pag-aartista ni Kylie dahil pumirma ito kahapon ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Type ni Kylie na i-try ang showbiz at tulad ni Mariel, lucky girl din siya dahil unang pelikula niya ang Ang Panday.

Malaking karangalan para kay Kylie na mismong si Coco ang pumili sa kanya para gumanap na diwata sa Ang Panday.

I’m sure, maganda ang karanasan ni Kylie at bongga ang treatment sa kanya ni Coco kaya nag-enjoy siya sa shooting ng Ang Panday.

Coco magpapahinga muna bago simulant ang Batang Quiapo

Dumalo si Susan Roces sa special screening ng Ang Panday noong Huwebes.

Noong Huwebes din ang 13th death anniversary ni Fernando Poe, Jr., ang original Panday kaya puwedeng isinabay ni Coco ang screening ng pelikula niya sa paggunita sa araw ng pagpanaw ng King of Philippine Movies.

Idol na idol ni Coco si Kuya Ron. May nagsabi sa akin na kapag natapos na ang Ang Probinsyano, magpapahinga nang sandali si Coco, saka nito gagawin ang television remake ng Batang Quiapo.

Sure ako na pipilahan sa takilya ang Ang Panday kaya mag-expect tayo na may filmfest entry uli si Coco sa 2018. Para na siyang Vic Sotto na hindi kumpleto ang MMFF kapag walang movie na kasali si Bossing.

Coco hindi maramot

Masuwerte rin ang mga co-star ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil binigyan sila ng mga role sa Ang Panday.

Marunong makisama at mahusay na katrabaho si Coco kaya love na love siya ng production staff at ng mga artista.

Good example si Coco sa mga artista na kuripot at hindi marunong mag-share ng blessings. Wish ko lang, tularan nila si Coco.

Natalbugan ni Coco ang ibang mga big star na super rich pero never na nakaalaala sa entertainment press tuwing Pasko.

Alam na ngayon ng mga tao kung bakit good karma at tuloy-tuloy ang pagdating kay Coco ng mga bonggang biyaya mula sa Itaas.

Mapagmahal din na apo, anak at kapatid si Coco. Ang suwerte ni Lola Matilde sa pagkakaroon ng apo na kagaya ni Coco. Dahil kay Coco, naging artista rin ang kanyang kapatid na si Ronwaldo na starring din sa Ang Panday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with