Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kahit may edad na aktor wala sa isip ang kasal!

Never pang pumasok sa utak ng isang sikat na aktor ang pag-aasawa ayon sa isa niyang malapit na kaibigan.

Nasa marrying age na ang aktor at may girlfriend na rin siya. Puwede na silang mamuhay nang komportable ng GF dahil ratsada pa rin siya sa career at meron pang negosyo. Wala na rin problema sa parents niya kung sakaling magkaroon na siya ng pamilya.

Dagdag pa ng friend ng aktor, kahit abutin pa raw ito ng forty years old, hindi pa rin siya magsasawa na maging single.

Jane muntik nang mapuruhan sa shooting

Muntik nang maaksidente si Jane Oineza nang sinu-shoot nila ang isang big scene sa Regal festival entry na Haunted Forest. Sa gagawing eksena, magigiba ang props na bahay na gamit sa shooting.

Eh, nang take na, hindi agad nakatakbo si Jane para makaiwas, buti na lang, nandoon si Raymart Santiago na siyang sumalo sa parte ng bahay na bumagsak.

“Si Raymart ang nabagsakan ng props na bintana. Mabuti na lang at hindi ito masyadong mabigat,” kuwento ni Jane sa blogcon ng horror film.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Komo nga hindi ito ang unang sabak ni Jane sa horror films, natutuwa siya kapag binabansagan siyang Horror Princess, huh!

Lovi mainit ang Pasko

Mainit ang Pasko this year ng Kapuso prime actress na si Lovi Poe. Aba, makakasama niya kasi ang boyfriend na si Chris Johnson na nasa bansa ngayon, huh!

Pero ayon sa aktres, hindi lang naman ang pagsasama nila ng BF ngayong Christmas ang dahilan kaya nasa bansa ang BF. May negosyo rin kasi itong tinatayo sa bansa kaya isa ito sa rason kaya mananatili siya sa bansa hanggang Pasko.

Ayon sa interview ni Lhar Santiago kay Lovi, gusto niyang ipa-experience kay Chris ang Paskong Pinoy.

“I’m just spending Christmas here po with my family. I’m just real­ly excited because my favourite part of Christmas is when my mom is kandarapang magluto habang kami nakaabang. Favorite ko ‘yung luto ng mom ko so I’m just looking forward to our Noche Buena,” pahayag ni Lovi.

Sa 2018 naman, pambuwenamanong handog ng GMA ang naughty series na The One That Got Away.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: