^

Pang Movies

Jodi at Echo planong sugalan sa Europe!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

SJodi Sta. Maria ang napipisil ng mga producer ng Cineko Productions bilang lead actress ng next movie project nila na kukunan ang mga eksena sa Europe.

Si Jericho Rosales naman ang iniisip ng mga produ na maging kapareha ni Jodi sa pelikula.

Si Papa Enrico Roque ang nagkuwento sa akin tungkol sa Jodi-Jericho team up na pinaplano nila ng kanyang mga business partner.

Enjoy si Papa Enrico sa pagpo-produce ng mga pelikula dahil maraming tao ang natutulungan at napapasaya nila.

Kinumpirma ni Papa Enrico na tuloy na tuloy na ang sequel ng Mang Kepweng na pinagbidahan ni Vhong Navarro. Ina­min ni Papa Enrico na kumita sa box office ang initial offering ng Cineko Productions at maligaya sila ng kanyang mga kasosyo sa partnership nila sa Star Cinema.

 Mga bisita sa kasal ni AiAi todo tilian 

Nagbabakasyon sa Europe si Chito Roño kaya hindi siya naka-apir sa kasal nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan noong December 12.

Pinanood na lang ni Chito ang mga video ng Delas Alas-Sibayan Nuptials na nakita niya sa social media.

Naloka si Chito at nagtanong kung may fans na nakapasok sa simbahan dahil sa mga sigawan at palakpakan na narinig at napanood niya sa video.

Walang fans na nakapasok sa Christ The King Church. Mga pa­lakpakan at hiyawan ng mga bisita na happy for AiAi ang napanood ni Chito.

Mahigpit ang security sa simbahan at kung may fans man na nakikiusyoso, tahimik lamang sila. Kinakawayan at tinatawag lamang nila ang pangalan ng mga artista na sumipot sa simbahan.

 Vic at Coco naudlot ang pagsasabay

Nakansela ang presscon kahapon ng Meant To Beh dahil may ta­ping si Vic Sotto.

Imbes na malungkot, natuwa ang mga reporter na invited sa mini presscon para kina Bossing at Dawn Zulueta dahil kasabay nito ang preview ng Ang Panday, ang pelikula ni Coco Martin na kasali rin sa Metro Manila Film Festival 2017.

Sabay-sabay at magkakasunod ang mga presscon at mga Christmas party na pinupuntahan ng entertainment press na isang dahilan kaya tinanggihan ko ang mga imbitasyon na Christmas party ng rich and influential friends ko.

Hindi ko pinangarap na “hi and hello” lang ang sasabihin sa kanila ng mga entertainment writers na naglalagare sa mga appointment.

Bossing makakagitgitan daw sina Derek at Echo sa pagka-best actor 

Serious comedy ang Meant to Beh. May mga nagsasabi na malaki ang tsansa ni Bossing na manalo ng best actor award dahil sa performance niya sa filmfest movie nila ni Dawn.

Sina Derek Ramsay at Jericho Rosales ang hinuhulaan na magiging mahigpit na kalaban ni Bossing sa best actor trophy ng MMFF 2017.

Raving ang press sa acting ni Derek sa All of You ng Quantum Films pero iba’t iba ang panlasa ng mga hurado ng MMFF. Malay natin, baka mas type nila ang acting na ipinakita ni Bossing sa Meant To Beh na isang family oriented drama-comedy movie.

 More power Papa Toby...

Maraming salamat kay Congressman Toby Tiangco dahil isa siya sa mga nagpapasaya sa Pasko ko.

Kahit bihirang-bihira kami na magkita, never na nakalimot si Papa Toby sa akin at sa entertainment writers na malapit sa puso niya. Merry Christmas and more power to you Papa Toby!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with