^

Pang Movies

Gretchen, Kris, at Jinkee inaawat sa pagyayabang ng mamahaling bag

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkatuwaan ang ilang showbiz people na nagkukwentuhan. Bakit daw pulos Hermes ang laging pinag-uusapan sa tuwing mababanggit sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, at Jinkee Pacquiao?

Wala raw bang ibang puwedeng pag-usapan tungkol sa tatlong personalidad?

May nagkomento nga na sa panahong ito, hindi na pinag-uusapan ang importansiya ng naturang bag dahil sa totoo lang, mitsa pa ng buhay ang magyabang.

Besides hindi naman interested ang mga tagahanga sa naturang bag na paboritong ipagyabang ng mga artista.

Maine ayaw sa lalaking walang political background?!

Kung hindi magbabago ang negatibong pananaw ni Maine Mendoza sa showbiz, hindi malayong mawala sa kanya ang kasikatang tinatamasa.

Mapupunang unti-unti nang nababawasan ang mga iniendorso niyang produkto sa TV. Dati ay kaliwa’t kanang napapanood ang kanyang mga commercial.

Alam ng lahat na kapag negatibong ingay ang lumalabas sa mga artista ay umaayaw na rin ang mga kumpanya sa kanila. Ang gusto nila ay ‘yung artistang positibo at magaan sa paningin ng mga tagahanga.

May nakakapansin din na parang walang attraction si Maine kesehodang pogi at sikat pa ang mga aktor na malapit sa kanya.

Subalit may nakapansin na noong si Jake Ejercito ang parang ibig pumorma sa kanya ay parang type rin siya ni Maine.

May nagtatanong, dahil kaya ito sa political background ng pamilya ni Jake since anak siya ng dating presidente at ngayon ay Manila mayor na si Erap Estrada?

Pamangkin naman si Maine ng dalawang ex go­vernor sa Bulacan na sina Josie Dela Cruz at Jonjon Mendoza.

Sanya at Rocco, lucky charm ng isa’t isa

Maswerte yata si Sanya Lopez kay Rocco Nacino. Buhat kasi nang magkatambal ang dalawa sa seryeng Haplos ay dumami ang magaganda nilang projects.

Bagay sila pero ayaw nilang aminin kung may relasyon nang namamagitan sa kanila.

Samantala, nakakatuwa ‘yung mga eksena sa Haplos kung saan hindi na umeepekto ang pangkukulam ni Maria Isabel Lopez dahil kinokontra ito ni manay Celia Rodriguez.

Malimit ding magkasakitan tuwing nag-aaway sina Sanya at Thea Tolentino pero okay lang sa dalawa dahil umaarte lang naman sila.                                          

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with